Larawan ng nagkatapatang pulis at motoristang walang helmet sa lansangan kinaaliwan

  • Kinaaliwan ang larawan ng isang pulis at motoristang walang suot na helmet habang nakamotorsiklo
  • Huwag daw lilingon ang naturang motorista dahil tiyak na mahuhuli ng pulis
  • Ang paglabag sa naturang batas na pagsusuot ng helmet ay may karampatang parusa na 1,500 hanggang 10,000 piso 

Mahalaga ang pagsunod sa mga batas-trapiko at batas sa lansangan upang maiwasan ang anomang kaakibat na disgrasya o aksidente. Sa alinmang batas o patakarang nalalabag, kasunod nito ay parusa o sanction, na maaaring sa anyo ng multa, community service, o mas malala ay pagkakapiit.

Kaya naman sa Facebook page na “BlueBanana,” kinaaliwan ng mga netizens ang larawan ng isang nagkatapatang pulis at motoristang walang helmet, na mahihinuhang habang naka-red light ang stoplight.

Imahe mula sa Facebook page na BlueBanana

“Wag kang hihinga. Wag kang lilingon. Wag kang gagalaw,” pabirong saad sa caption nito. Hindi naman natukoy kung hinuli ba ng pulis ang naturang motorista, na ang suot sa ulo ay sumbrero sa halip na helmet.

Isa sa mga batas panlansangan at pantransportasyong kailangang sundin ng mga motorista, lalo na ang mga nagpapatakbo ng motorsiklo, ay ang pagsusuot ng helmet. Mahalaga ito upang maproteksyunan ang ulo kung sakaling “sumemplang” o mabangga ng iba pang behikulo.

Umani naman ito ng nakatutuwang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Nakamedyas ka nga wala ka naman helmet, diretso lang ang tingin huwag lilingon sa kanan mo at baka hindi ka na palagpasin, hahaha,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Astig ah feeling talaga medyas niya match sa motor haha yung mukha ni Kuya, halatang kabado masyado, parang nagdarasal na sana lamunin muna siya ng lupa pansamantala hahaha, o kaya sana magpaharurot na yung pulis, kasi kapag siya ang biglang humarurot, masyadong halata.”

Public Domain Image

“Pareho naman silang may violation. Yung pulis, kung mapapansin ninyo, gumagamit ng cellphone hahahaha,” puna naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Ok lang lumingon. Same naman silang dalawa may violation. I’m sure ‘yang enforcer na ‘yan expired license or expired ang ginagamit na motor niyan. Hahaha. Joke lang po.”

Sa seryosong usapan, ayon sa LTFRB Fines and Traffic Violations 2020, ang paglabag na “no motorcycle helmet” habang nagmamaneho ng motorsiklo, kasama ang pagsusuot ng pekeng helmet na walang Philippine Standard o Import Commodity Clearance, ay maaaring mapatawan ng multang 1,500 piso sa unang paglabag.

Sa pangalawang paglabag, ang multa ay 3,000 piso at sa pangatlo naman ay 5,000 piso. Para naman sa pang-apat at susunod na mga paglabag, ito ay 10,000 piso na.

Source :

Facebook, NTG

Loading…