“Law-abiding doggy”: Aso sa Iloilo naispatang tumatawid sa pedestrian lane

  • Isang aso ang naispatang matiyagang naghihintay na tumigil ang mga sasakyan upang tumawid sa pedestrian lane
  • Nakita ito ng isang dating broadcasting journalist ng ABS-CBN sa Iloilo
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Ayon sa Agham, ang mga tao ay nasa ilalim ng Kingdom Animalia o mataas na uri ng mammal, na may kakayahang mag-isip, maging malikhain, kritikal, at magtatag ng isang kabihasnan, gaya ng lipunang tinatamasa ng lahat ngayon. May kalakip itong responsibilidad o obligasyon na gamitin sa tama ito, halimbawa, sa simpleng pagsunod lamang sa mga batas-trapiko o panuntunan sa lansangan.

Kaya minsan, kahiya-hiya ang mga taong kahit alam naman ang mga simpleng patakaran o regulasyon, intensyonal pa rin itong hindi sinusunod. Mabuti pa raw ang aso, kayang sumunod sa tamang pagtawid sa kalsada gamit ang pedestrian lane, ayon sa dating broadcast journalist ng ABS-CBN Regionals-Iloilo na si Regi Adosto sa kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook account ni Regi Adosto

“Law abiding. While taking a jog, I fondly took pictures of this doggy at Iloilo Business Park. He was patiently waiting until it was safe for pedestrian. Way to go!” saad niya sa kaniyang FB post.

Naispatan niya kasi ang isang stray dog na naghintay na tumigil ang mga sasakyan bago tumawid sa pedestrian lane sa tapat ng Iloilo Business Park nitong Biyernes ng gabi, Enero 15, 2021.

Ayon kay Adosto, naispatan niya ang aso habang siya ay nagjo-jogging sa lugar. Napansin niyang matiyagang naghintay ang isang aso na tumigil ang mga sasakyan bago tumawid sa kabilang bahagi ng kalsada. Nakuhanan niya ito ng mga larawan at ibinahagi sa social media.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

“When I was working there in Iloilo, I always saw this dog roaming around Megaworld, the dog does the same what the journalist captured, his master leaving at the back of a hotel,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Yung mga aso kasi nag-oobserve lang ‘yan sa mga patakaran ng mga tao. Marunong sila masaktan at nami-miss rin nila mga nag-aalaga sa kanila. Although minsan nasasaktan natin sila pero hindi sila nagiging traydor gaya ng kaibigan mong nilibre mo kahapon o kapitbahay ninyong nakikain sa birthday mo, pero ang ending, maraming sasabihing masama habang nakatalikod ka.”

Imahe mula sa Facebook account ni Regi Adosto

“Mabuti pa ‘yong aso marunong sumunod ng batas ng tao. Sana po tanggapin natin na ang mga hayop ay kabilang sa ating buhay,” wika ng isa.

Sana raw ay magsilbing inspirasyon sa lahat na kung ang aso nga ay nagagawang sumunod sa mga simpleng batas o panuntunan, tao pa kaya?

Loading…