Liderato ng senado naghain ng bill para sa ABS-CBN franchise renewal

  • Naghain ng isang bagong bill ang senado para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN
  • Si Senate President Tito Sotto III mismo ang nag-akda nito
  • Nakaaalarma raw ang kawalan ng kompetisyon sa mainstream Tv dahil sa pagkawala sa free TV ng Kapamilya Network

Pinangunahan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang pagbuo at paghahain ng bill para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN, na napaso at hindi naaprubahan ang prangkisa ng mga kongresista noong 2020.

Ang Senate Bill No. 1967 ni Sotto ay naglalayong mapagbigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN na upang makapag-operate ang kanilang television at radio broadcasting stations sa loob ng 25 taon.

Imahe mula sa ABS-CBN News

“I noticed the TV stations have been replacing their news programs with animes. It means competition is absent and mediocrity is creeping in because of the absence of a strong competitor like ABS-CBN,” saad ni Sotto sa mga reporter sa pamamagitan ng isang text message.

Malaki raw ang pakinabang ng taumbayan sa lawak ng nararating ng ABS-CBN broadcast.

“ABS-CBN’s wide reach to Filipinos, alongside with the undeniable advantages of broadcast media relative to mass communication, definitely call for the immediate renewal of the network’s franchise,” saad niya.

Bagama’t masasabing konektado si Sotto sa GMA Network dahil sa noontime show na “Eat Bulaga,” sinabi niyang maituturing pa ring pinakamalaking tv network ang ABS-CBN at marami pa rin ang talagang tumututok dito, lalo na sa larangan ng entertainment at current affairs.

Binaggit din ni Sotto ang The Filipino Channel o TFC na nagsisilbing-daan upang maibsan ang kalungkutan ng mga Overseas Filipino Workers o OFW sa ibang bansa, sa pamamagitan ng pagsubaybay sa kanilang mga palabas.

Suportado naman ito ng ilan sa mga senador gaya ni Senate Committee on Public Services chair Grace Poe. nangako siya na ggagawing “utmost priority” ng panel ang hakbang na ito ng senado.

Public Domain Image

“Given the crippling effects of the ABS-CBN shutdown and the need for more news outlets with the widest reach during the raging pandemic, the issue will be given utmost priority as soon as it is referred to the Committee on Public Service,” saad ni Poe.

“My support for a free and fair media in the name of public service remains. I will make sure that the Committee acts on it in due course,”dagdag pa niya.

Bukod kay Poe, suportado rin ito nina Senador Ralph Recto at Joel Villanueva. Si Joel Villanueva ay anak ni Bro. Eddie Villanueva, ang may-ari ng Zoe TV na ngayon ay kilala sa tawag na A2Z Channel 11 matapos ang partnership sa Kapamilya Network.

Pabor din dito sina Senador Sonny Angara at Franklin Drilon subalit nakasasalay pa rin daw sa House of Representatives ang pag-usad nito.

“We support that. But as you know, it’s all dependent on what the House will do since it is subject to the origination clause of the Constitution,” saad ni Angara.

Public Domain Image

Samantala, hangad naman daw ng pamunuan ng ABS-CBN na mapagbigyan na sila sa bagong prangkisa, lalo’t napalitan na ang pamunuan nito. Noong 2020 ay bumaba sa puwesto ang Chairman Emeritus nito na si Gabby Lopez.

Loading…