Lightweight champ Ryan Garcia pangarap talunin ang iniidolong si Manny Pacquiao

Screenshot mula sa Golden Boy Boxing video
  • Mexican-American WBC interim lightweight champion na si Ryan Garcia pangarap talunin ang idol niyang si Manny Pacquiao
  • Hindi raw pagdisrespeto kay Pacquiao ang pangarap niya kundi nais lang daw niyang ipasa sa kanya ni Manny ang “torch” ng pagiging isang boxing legend
  • Upang maging isang superstar, sinabi ni Garcia na kailangan niyang talunin ang isang kagaya ni Pacquiao

Iniidolo ni Ryan Garcia, ang Mexican-American WBC interim lightweight boxing champion, ang Pinoy boxing great na si Manny Pacquiao dahil sa mga nakamit nito sa larangan ng boksing.

Screenshot mula sa Golden Boy Boxing video

Ang bente dos-anyos na si Garcia ay nananatiling unbeaten sa lahat ng kanyang laban. Isa sa mga pangarap niyang talunin sa loob ng boxing ring ang idolo niyang si Pacquiao, na mas matanda sa kanya ng dalawampung taon.

Nilinaw ng batang boxing champion na hindi kawalan ng respeto sa idolo niya ang pangarap na magapi ito sa isang boxing match sakali mang mangyari iyon. Nais lang daw niyang ipasa sa kanya ni Pacquiao ang “torch” bilang isang boxing legend.

Upang maging isang superstar, sinabi ni Garcia na kailangan niyang talunin ang isang kagaya ni Pacquiao. Katulad raw ng ginawa ni Pacquiao nang talunin si Oscar Dela Hoya.

“You’ve seen Oscar pass that torch to Manny . . . Muhammad Ali, Oscar De La Hoya, Manny Pacquiao and now guess what? It’s my turn,” aniya.

Imahe mula sa Bleacher Report

“That’s the dream. With Manny, it’s like he’s the Legend. It would be like passing it down to me in the most humbling way. I don’t want it to come out as disrespectful. If I were to beat Manny Pacquiao, he passes it on. I take whatever he did. I try to push it,” sabi pa ng boksingerong kilala sa tawag na “King Ry.”

Alam raw ni Pacquiao ang pagrespeto sa kanya ni Garcia.

“Manny knows my respect for him. People love Manny because he fights with his heart. He does it to inspire people. You don’t even have to tell people to respect him. They do as he has more than a country supporting,” buong paghangang sambit ng batang kampeon.

Screenshot mula sa Golden Boy Boxing video

Sabi ni Garcia, nais niyang hamunin si Gervontae Davis para sa WBA Lightweight belt, pero ang pangarap niya raw talaga ay makaharap sa ring si Pacquiao.

“I’m just saying we share the ring together and please pass that torch to me,” mensahe niya sa kanyang idolo.

 

Loading…