Lola na may loyal na aso, nakatanggap ng tulong

Imahe mula sa Facebook | Glomarie Lising at AKF
  • Nakatanggap ng mga regalo ang isang lola at ang kaniyang aso na nag-viral noon dahil sa kanilang nakaka-touch na samahan
  • Kung noon, ang lola ang nag-aalaga sa aso, ngayon ay ito na ang nagbabantay sa lola matapos itong magkasakit
  • Marami ang naantig sa kuwento ni lola Estelita at ng kaniyang asong si Kobe

Hinandugan ng mga regalo ng isang organisasyon ang nag-viral na 87 anyos na lola na binabantayan ng kaniyang alagang aso matapos na magkasakit.

Imahe mula sa Facebook | AKF

Sa kanilang Facebook page ay ibinahagi ng Animal Kingdom Foundation (AKF) ang mga larawan sa kanilang pagbisita kay lola Estelita Cornesta na taga Nueva Ecija.

Bukod sa ibinigay na gatas kay lola ay may pasalubong din silang dog food para sa best friend nitong si Kobe. “Lola was hospitalized recently because of a heart problem and Kobe has not left her side since she got out of the hospital. Kobe also has been very protective of lola,” pahayag nila.

Matatandaang ibinahagi ng apo ni lola Estelita na si Glomarie Lising ang kuwento nila sa Facebook group na Dog Lovers Philippines.

[Related: So touching! Aso binabantayan ang lola na nag-alaga sa kaniya noon]

Imahe mula sa Facebook | AKF

Ani Glomarie, kapag umaalis siya noon ay naiiwan si Kobe sa kaniyang lola Estelita. At kung dati ay si lola ang nag-aalaga kay Kobe, ngayon na hindi pa ito nakarecover mula sa karamdaman sa puso ay ang aso naman ang nagbabantay kay lola.

Dagdag niya pa, nang ma-discharge ang kaniyang lola ay agad itong sinalubong ni Kobe.

“Makulit po na aso si Kobe. Hilig niya pong tumakbo at mag-roam around. Pero noong nakita niya si lola, sumampa siya agad sa kama ni lola at hinalikan niya pa ito. Tapos super behave siya,” sabi noon ni Glomarie.

Naantig naman ang netizens sa matibay na bond nina Kobe at lola Estelita. Hiling nila, sa tulong na rin ni Kobe, sana ay tuluyan nang gumaling si lola.

“Get well soon, lola. Stress reliever po talaga ang mga alaga nating doggie,” ani T. Fuentes.

Loading…