
- Napili ng Pangulo si Gen. Cirilito Sobejana bilang susunod na pinuno ng hukbong san
datahan - Siya ang papalit kay Gen. Gilbert Gapay na nakatakdang magretiro sa ika-4 ng Pebrero
- Si Sobejana ang kasalukuyang hepe ng
Army at recipient ng ‘Medal of Valor’ award
Mauupo bilang susunod na Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff si Lt. General Cirilito Sobejana; ito ang kinumpirma ng Palasyo nitong Miyerkules, ika-27 ng Enero.
Si Sobejana ay kasalukuyang hepe ng Philippine Army at siya umano ang napisil ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kapalit ni outgoing AFP chief General Gilbert Gapay.

“The Palace confirms that LGEN Cirilito Sobejana will be the next Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines,” ayon sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Kasama si Sobejana sa listahan na isinumite sa Palasyo bilang kapalit ni Gapay na nakatakdang magretiro sa Pebrero 4.
Kabilang din umano rito sina Navy chief Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo, Air Force chief Lt. Gen. Allen Paredes, Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade, Northern Luzon Command chief Lt. Gen. Arnulfo Burgos at iba pang matataas na opisyal ng sandatahang lakas.
Tiwala naman ang Palasyo sa kakayahan ni Sobejana na kasapi ng Philippine Military Academy (PMA) “Hinirang” Class of 1987.

“We are confident that General Sobejana will continue to modernize our military and undertake reform initiatives to make the Armed Forces truly professional in its mandate as the protector of the people and the State,” dagdag na pahayag ni Roque.
“We wish General Sobejana all the best in his new tour of duty as we pray for his success,” ayon pa sa tagapagsalita ng Pangulo.
Si Sobejana ay isang ‘Medal of Valor’ awardee at nagsilbi rin bilang commander ng Western Mindanao Command (Wesmincom) bago pinamunuan ang Army.