Mag-aaral nagsabit ng paskil para hindi siya maistorbo sa mga gagawin

  • Kinatuwaan ng mga netizens ang isang mag-aaral
  • May nakasabit kasing paskil sa kaniyang likuran
  • Nakasaad sa paskil na bawal siyang kausapin o istorbohin para matapos sa kaniyang mga ginagawa

Isa sa mga binago ng “Bagong Normal” dahil sa pandemya, ay ang sistema ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral. Kung noon ay kinakailangang magtungo sa mga paaralan at dumalo sa klase o physical classes, ngayon ay may tinatawag nang “distance o blended learning” kung saan nasa bahay lamang ang mga mag-aaral na maaaring matuto sa pamamagitan ng online classes o kaya naman ay sa pagbabasa at pagsagot ng learning modules.

Sa dami ng mga learning modules na kailangang sagutin at ipasa, may mga mag-aaral na tila ayaw magpaistorbo sa bahay; bawal mautusan, o makausap, upang matapos ang kanilang mga takdang gawain. Kagaya na lamang ng mag-aaral na anak ng isang netizen na nagngangalang “Lea Ramos Villanueva” kung saan makikita sa kaniyang Facebook post ang mga larawan ng kaniyang anak habang nag-aaral.

Imahe mula sa Facebook page ni Lea Ramos Villanueva / Public Domain Image

Upang hindi magambala sa kaniyang mga gagawing pagsagot sa learning modules, nagsabit ang kaniyang “nagmamalditang” anak ng paskil sa kaniyang likuran,  na may nakasulat na “Walang kakausap sa ‘kin. Sobrang dami kong gagawin. Salamat.”

Naaliw naman ang mga netizens at nagbigay sila ng kanilang reaksyon at komento.

“Kung puwede lang na ganyan din sa workplace eh, yung tipong, kakausapin ka ng boss mo dahil may panibagong utos, kaso hindi ka talaga tatantanan hahaha,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Puwede naman pala eh! Magawa nga minsan hahaha, lalo na sa mga palautos sa bahay na hindi ko na matapos-tapos ang gagawin ko.”

“Ganito kamo rin ginagawa ko sa office haha yung sobrang busy tapos may nang-iistorbo nakalagay na sa cubicle ko na “Please don’t disturb, this is urgent,” pagbabahagi naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Dapat ganito para alam kung may ginagawa kayo o wala, nang hndi kayo nauutusan.”

Imahe mula sa Facebook page ni Lea Ramos Villanueva / Public Domain Image

Ikaw, kaya mo bang gawin ang paglalagay na paskil na ito sa bahay o kaya naman sa trabaho?

Source :

Facebook

Loading…