“Magaling mag-rcycle”: Appointment ni Aguirre sa Napolcom inalmahan ni De Lima

Imahe mula sa BW Online
  • Balik-gobyerno si dating DOJ chief Aguirre bilang commissioner ng Napolcom
  • Pinalagan naman ito ni Senador Leila de Lima na nakulong sa panahon ni Aguirre
  • Ayon sa senador, magaling mag-recycle ng ‘basura’ si Pangulong Duterte

Inalmahan ni Senador Leila de Lima ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre bilang bagong commissioner ng Napolcom.

Magugunitang sa panahon ni Aguirre bilang kalihim ng DOJ nakulong si De Lima dahil sa ilang kasong isinampa sa kaniya taong 2017.

Imahe mula sa Parliamentarians for Global Action

Sa kaniyang Twitter account idinaan ng senador ang kaniyang pagbatikos kay Duterte dahil sa pag-appoint ng Pangulo sa dating Justice chief na napilitang magbitiw naman noon dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan ng ilang mataas na opisyal ng Customs na may kaugnayan umano sa kaniya.

“Duterte should appoint himself to the National Solid Waste Management Commission. Magaling talaga siya mag recycle ng basura,” ani De Lima sa kaniyang tweet na may hashtag na #ZeroWaste.

Sagot naman ng Palasyo kay De Lima, ‘prerogative’ ng Pangulo ang pag-appoint kay Aguirre.

Screenshot mula sa Twitter/ Sen. De Lima

“Appointment is the exclusive prerogative of the President. Maghintay po si Sen. De Lima na maging Presidente siya para ma-appoint niya ang mga gusto niya ma-appoint,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque sa kaniyang online briefing nitong Martes.

Kinumpirma noong Lunes ng Malakanyang ang pagbabalik-gobyerno ng dating kalihim ng DOJ.

“We confirm that President Rodrigo Roa Duterte has signed the appointment of Mr. Vitaliano ‘Vit’ Aguirre II as Commissioner of the National Police Commission (Napolcom) representing the private sector,” pahayag ni Roque.

Ayon pa sa tagapagsalita ng Palasyo, makatutulong sa kapulisan ang karanasan ni Aguirre sa Justice department.

Imahe mula sa ABS-CBN News

“This bodes well in his new position to make the police service competent, effective, credible and responsive to our people’s needs,” wika pa ni Roque.

Sa isang pahayag, sinabi ni Aguirre na nagpapasalamat siya sa Pangulo sa kaniyang bagong trabaho at umaasang matutulungan niya ang Napolcom “to address the concerns and the stumbling blocks toward a better police force that will serve and will protect our countrymen.”

Nangako rin itong makikipagtulungan kay Napolcom chairperson Eduardo Año upang ayusin pa ang imahe ng ahensiya.

Loading…