Magalong dismayado sa mga LGU officials na ‘pinupulitika’ ang COVID testing, contact tracing

Imahe mula sa PNA
  • Dismayado si Mayor Magalong sa mga local officials na namumulitika sa ginagawang COVID response
  • Marami raw kasi ngayon ang nagpapabango ng pangalan dahil malapit na ang eleksyon
  • Pinalalabas raw ng ilang opisyal na maayos ang sitwasyon ng COVID sa kanilang lugar kahit ‘di naman

Dismayado si Baguio City Mayor at contact tracing czar Benjamin Magalong sa mga local officials na diumano’y hinahaluan ng pamumulitika ang pagsasagawa ng COVID testing at contact tracing sa kanilang lugar upang bumango para sa nalalapit na halalan.

Bagama’t walang tuwirang binanggit na LGU si Magalong, ginawa nito ang pahayag matapos ma-detect ng Department of Health (DOH) ang bagong 16 kaso ng UK COVID variant sa bansa; 12 rito ay nagmula umano sa Bontoc, Mountain Province.

Imahe mula sa PNA

Ayon kay Magalong, pinalalabas ng ilang opisyal na maayos ang sitwasyon ng COVID sa kanilang lugar kaya hindi masyadong tinututukan ang testing at contact tracing.

“Kaya lang nangyayari ngayon LGUs tend to portray a very good COVID-19 situation in their area so tendency lower contact tracing and lower testing,” ani Magalong sa ginanap na Laging Handa press briefing nitong Sabado.

Napakasimple lang umano ng logic – No testing, no contract tracing, no COVID-19. Low testing, low contact tracing, low cases.

Ganito raw ba dapat ang maging mindset ng mga LGU officials, tanong ng alkalde, sapagkat hindi raw nito ipinakikita ang tunay na sitwasyon ng bansa.

“Especially now that we have the election, ang tendency ng local executives, it’s a political move on their part to show they are managing well their contact tracing despite the fact that they have inadequate system,” wika ni Magalong.

Imahe mula sa CNN PH

“Binobola lang natin ang sarili natin. We are lying to the public,” dagdag pa nito.

Dahil dito, nanawagan ang opisyal sa IATF na atasan ang bawat LGU na ilahad ang tunay na sitwasyon sa kanilang lugar sa pamamagitan ng consistent na COVID testing at contact tracing.

Kaugnay nito, ibinahagi rin ng alkalde na nagbuo na ng team ang DOH upang tutukan ang contact tracing sa Cordillera Administrative Region (CAR) upang matunton ang iba pang kaso ng UK variant sa rehiyon.

Ang team ay bubuuin ng 60 contact tracers na magmula sa Region1, 2 at 3; ng Regional Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (RIATF MEID) at pangungunahan mismo niya.

Loading…