Mahigit 40 empleyado ng MRT3 depot nagpositibo sa COVID-19

Imahe mula sa PNA
  • Nasa 42 empleyado ng MRT3 ang nagpositibo sa COVID-19 ayon sa DOTr
  • Ang 41 dito ay kasalukukuyang naka-quarantine na habang isa naman ang hindi pinalad na gumaling
  • Sa kabila nito, normal pa rin ang operasyon ng MRT 3 at tiniyak ng pamunuan na ligtas pa rin ito para sa mga pasahero

Kinumpirma ng Department of Transportation (DOTr) na nagpositibo sa COVID-19 ang 42 na empleyado ng MRT3 na naka-assign sa kanilang depot sa Quezon City.

Sa pahayag na inilabas ng DOTr nitong Miyerkules, 36 umano sa mga ito ay office personnel at 6 ang trabahador ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries. Isa naman ang hindi pinalad na makarekober pa sa sakit.

Imahe mula sa WebMD

“Following an initial reported case of COVID-19 among MRT3 Depot office personnel, all office personnel undertook an RT-PCR swab test early last week, which resulted in 33 positive cases as of January 20,” anang DOTr.

Nadagdagan umano ito nitong Miyerkules nang tatlong empleyado pa ang magpositibo.

Lahat ng infected na empleyado ay isinailalim na sa quarantine habang limitado naman ang access ng mga tao sa kanilang opisina na nasa ilalim ng isang mall.

“We can consider it as parang part of the quarantine measures kasi since confined to the MRT-3 personnel. Buti na lang na even before this cases, we already shifted to work from home arrangement,” ani Undersecretary for for Railways TJ Batan sa isang panayam.

Disinfection ng MRT3 train| Imahe mula sa Coconuts

Sa kabila nito, regular pa rin ang operasyon ng MRT3 at tiniyak ng pamunuan ng DOTr na ang mga empleyadong nakakasalamuha ng mga commuters ay lahat negatibo sa COVID.

Mahigpit pa rin daw ang pagpapatupad ng health at safety protocols tulad ng limited capacity, health screening at regular na disinfection ng tren.

Nakikipag-ugnayan na ang DOTr sa IATF upang malaman kung ang COVID na tumama sa kanilang empleyado ay ang mas nakahahawang UK variant.

Loading…