Makukulay at magagandang produkto yari sa recycled plastics na ginantsilyo

Imahe mula sa Invisible Sisters
  • Magaganda at makukulay ang mga ginantsilyong produkto na gawa ng Invisible Sisters na yari sa recycled plastics
  • Mga nanay at lola mula sa mahihirap na komunidad sa Taguig at Maynila ang gumagawa ng mga fashion items
  • Sinabi ng Invisible Sisters na bukod sa livelihood na naibibigay sa mga kababaihan ay nakatutulong pa sila sa kalikasan

Hindi aakalain na ang magaganda at makukulay na mga produktong likha ng mga nanay at lola sa Taguig City at Maynila ay yari sa mga recycled plastics. Ang mga placemat, coin purse, wallet, coaster, bag at iba pang produkto ay pawang mga ginantsilyo na ginamitan ng recycled plastic strips.

Imahe mula sa Invisible Sisters

Ayon kay Deseree Mangulabnan, program director ng Invisible Sisters, 25 mga kababaihan mula sa mga komunidad sa Taguig at Maynila ang gumagawa ng mga produkto. Binabayaran sila sa kada produktong nagagawa.

Aniya, layunin ng Invisible Sisters na makatulong sa pagbibigay ng kabuhayan sa mga kababaihan sa mga mahihirap na komunidad at makatulong sa kalikasan.

“We currently work with 25 women from communities across Taguig and Manila. These are mainly nanays and lolas. They are paid per item they make. The goal was to help provide livelihood to women from poor communities and help save the environment as well,” sabi ni Mangulabnan.

Ang mga materyales na ginagamit ay galing umano sa kanilang partner-recycler. Kinukuha nila ang recycled plastics para ipagawa sa mga kababaihan kapag may mga order na mula sa mga customers.

Imahe mula sa Invisible Sisters

“Our main material is recycled plastic and we get this from a partner-recycler. Upon taking orders from customers, our women from the communities work on crocheting them. Lead time usually depends on the volume of orders and types of item,” ani Mangulabnan.

Karamihan sa kanilang ginagawa ay mga fashion items, pero dahil sa pandemya ay gumagawa na rin sila ng ginantsilyong alcohol bottle holder.

fashion items from recycled plastics
Source :

ABS-CBN, Facebook

Loading…