“Malusog na kidney, ‘yan ang gusto ko”

  • Ano nga ba ang kahalagahan ng ating mga kidneys? Para saan ba ito?
  • Paano ba tayo nagkakaroon ng sakit sa bato?
  • Ano ang mga puwede nating gawin para maiwasan ang sakit na ito?

Alam ba ninyo na maraming pilipino ang nararatay at nasasawi dahil sa sakit ng bato?

Inage via Pixabay

Ayon sa datos ng Department of Health, ang sakit sa bato ay nakalista sa number nine pagdating sa top ten killer diseases sa ating bansa.

Napakamahal ng dialysis. Kinakailangan ito kapag ang tao ay may kidney failure. Sa PhilHealth, ito umano ang may pinakamataas na reimbursement expenditure. At ang solusyon para hindi ito lumaganap ay ang pag-iwas sa “kidney diseases.”

Ano nga ba ang kahalagahan ng ating mga kidneys? Para saan ba ito?

Dalawa ang kidney natin na ang hugis ay kasinlaki ng kamao.

Ito ang nagsasala ng mga bagay na pumapasok sa ating katawan, tulad ng pagkain, inumin, minerals at dumi. Inilalabas nito ang waste products sa pamamagitan ng pag-ihi.

Samakatuwid, ihinihiwalay nito ang mga nutrisyon at dumi sa dugo. Sa ganitong proseso ay iniaalis nito ang sobrang fluid upang mapanatiling balanse ang sustansiya sa dugo at mabantayan ang presyon nito.

Pinananatili rin nitong maayos ang daloy ng kemikal at tubig sa katawan. Kung normal ang pagdaloy nito, masasala kung ano ang makabubuti sa katawan o hindi.

Bukod sa pagtulong nito sa pagdaloy ng dugo, nakatutulong din ito sa produksiyon ng red blood cells sa katawan at maging ang iba pang bitamina.

Image capture via Doc Willie Ong / YouTube Channel

Paano ba tayo nagkakaroon ng sakit sa bato?

Walang pinipiling edad o kasarian ang sakit sa bato.

Ayon sa pag-aaral ng DOH, maging ang mga paslit ay maaaring magkaroon ng sakit na ito. Ang pagpipigil sa pag-ihi ay nagreresulta sa urinary tract infection na makaaapekto sa bato. Ngunit mas malaki ang tiyansa na dapuan ng karamdamang ito ang mga taong may diabetes, high blood pressure, naninikip na arteries, at kung nasa lahi na ang ganitong sakit o may family history.

Ano ang mga puwede nating gawin para maiwasan ang sakit na ito?

1. Iwasan ang pagkain ng maaalat na pagkain. Nakaka-alta presyon ito at puwedeng makaapekto sa kidneys.

2. Uminom ng 8-10 glasses ng tubig araw-araw. This is to prevent dehydration.

3. Siguraduhing matulog nang sapat. Iwasan ang stress.

4. Magkaroon ng balanced diet. A good diet na hindi masyadong fatty at salty.

5. Habang maaga, sumailalim na sa urinalysis na nagkakahalaga lamang ng ilang daang piso kumpara sa ilang milyong gagastusin sa dialysis o transplantation.

6. Tight control of blood pressure. Dapat hindi tataas ng 130/80.

7. Tight control of blood glucose levels. Bawasan ang mga pagkain na sobrang tamis.

8. Bawasan ang pagkain na may LDL (low-density lipoproteins) o ‘yung tinatwag na ‘bad cholesterol’. Ito ay ang mga katulad ng lechon, liempo at mga pagkaing nabibili sa fast-food.

9. Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak.

10. Dapat magkaroon ng motibasyong baguhin ang lifestyle o ang pamumuhay na hinfi kaaya-aya. Have a well balanced diet and eat less salty food.

Image capture via Doc Willie Ong / YouTube Channel

Ano-ano ang mga posibleng signs and symptoms?

  • Nahihirapang umihi o kaya’t umiihi nang sobrang dami
  • Foamy o bubbly ang inyong ihi o may dugo
  • Nagkakamanas kayo, lalo na sa may paa
  • Nahihilo, nanghihina at nawawalan ng gana kumain
  • Biglaang pagbawas ng timbang
  • Palaging sumasakit ang tiyan at nasusuka

Kapag nararanasan ang ilang sintomas, magpakonsulta na nang maaga sa doktor. We can combat kidney disease early. The earlier you know, the better.

Tandaan: Prevention is always better than cure!

Para sa mas malalim na pag-unawa, narito ang mahusay na pagpapaliwanag ni Doc Willie Ong.

[In Memory of DF Blogger Mariands]

Source :

YouTube

Loading…