Manny V. Pangilinan nag-donate ng helicopter, rescue boats at trucks sa AFP

Imahe mula sa AFP
  • Nag-donate sa AFP ng mga rescue equipment ang negosyanteng si MVP
  • Kabilang sa mga donasyon ang isang helicopter, rescue boats with paddles, life vests at mga trucks
  • Suportado umano ni MVP ang mga ginagawang pagsisikap ng gobyerno lalo na sa mga panahon ng pangangailangan

Nakatanggap ng mga rescue equipment ang Armed Forces of the Philippines (AFP) mula sa business tycoon na si Manny V. Pangilinan (MVP). Kabilang dito ang isang helicopter na nagkakahalaga ng P25 million, ilang rescue boats at trucks.

Imahe mula sa AFP

Ginanap noong Huwebes, January 7, sa AFP headquarters ang ceremonial signing of deed of donations sa pangunguna nina National Defense Secretary Delfin Lorenzana, AFP chief Gen. Gilbert Gapay at MVP Group chairman Manuel V. Pangilinan.

“We have always been supportive of government endeavors, particularly in times of need. The nationwide presence of our businesses enables us to mobilize resources throughout the country and provide us with the means to augment the Government’s facilities to respond effectively to disasters and calamities,” sabi ni MVP.

Ang BO 105 multi-purpose helicopter na ibinigay sa pamamagitan ng Metro Pacific Investments Corp. Foundation ay napunta sa “Hiraya” Aviation Regiment ng Philippine Army.  Sinabi ni Pangilinan na makatutulong ito sa Humanitarian assistance and Disaster Relief program ng naturang sangay ng AFP.

Imahe mula sa AFP

Tig-dadalawang rescue boats with paddles at mga life vests naman ang ibinigay ng negosyante sa pamamagitan ng PLDT-Smart Foundation para sa Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Air Force.

Tatlong dry vans at isang wing van naman ang donasyon ni MVP, sa pamamagitan ng One Meralco Foundation, para sa AFP.

“The donations signify our shared aspirations in giving our all-out support to our men and women in uniform as they fulfill their responsibilities to the nation, especially in times of disasters and calamities. The Armed Forces of the Philippines is truly grateful that we have institutions like the MVP Group of Companies who continuously help us achieve our endeavors,” pahayag ni AFP Chief Gapay.

Imahe mula sa AFP

Pumirma rin sa isang memorandum of agreement ang AFP at ang Makati Medical Center Foundation, na pinamumunuan din ni MVP, para sa lalo pang pagpapabuti ng mga sebisyo ng AFP Military Treatment Facilities sa buong bansa.

Source :

AFP, Facebook

Loading…