Mar Roxas hands-on sa pag-aalaga sa anak nila ni Korina Sanchez

Image by Korina Sanchez via Instagram
  • Sweet bonding moment ng mag-amang Mar Roxas at baby Pilar, kinagiliwan ng netizens
  • Korina Sanchez, malugod itong ibinahagi sa mga tagahanga
  • Ani Korina, “Matiyaga si Pappi kay Pilar. Actually, suko siya sa babae”

Malugod na ibinahagi ni Korina Sanchez sa kanyang mga tagasubaybay sa social media platform na Instagram ang larawan ng mag-amang Mar Roxas at baby Pilar.

Image by Korina Sanchez via Instagram

Sa larawan, makikita ang mag-ama na binabasa ang isang children’s book na may pamagat na “Goodnight Moon.” Pokus na bokus naman ang atensyon dito ng kanilang daughter.

Caption dito ni Korina, “Matiyaga si Pappi kay Pilar. Actually, suko siya sa babae. #TatayNiPilar”

Umani naman ito ng papuri sa mga netizens na nakapansin sa sweet bonding moment ng father and daughter. Sabi ng isa, “How sweet bonding naman the magtatay. Love you twins, Pepe en Pilar. God bless you both.”

May nagkomento naman ng, “Naku Mamsh @korina, never ‘yan susuko for the cutest girl in his life. Seems like Pretty Pillar obeys her Pappi Mar, love this pic.”

Saad pa ng iba, “Nice to see father and daughter reading time. Pilar looks attentive to her Papi.”

Basahin: “God made this happen” Korina Sanchez shares surrogacy journey to have twin babies

Samantala, naunang nasabi ni Korina na mga biyaya galing sa Panginoon ang kanila twin babies na sina Pepe at Pilar. Aniya, “God made this happen, so God will provide.”

Image by Korina Sanchez via Instagram

Yamang kapwa may edad na nang magpakasal, gumamit ang dalawa ng technology para magkaroon ng anak at kinailangan nilang magpabalik-balik sa abroad habang nasa proseso ng surrogacy.

Pero masasabi umanong worth-it ang lahat ng mahaba at mahirap na proseso nang mabuo ang dalawa. Wika ni Korina, “Ilang taon din na frozen ang aming mga embryos.”

Image by Korina Sanchez via Instagram

Loading…