Markus Paterson ipinaliwanag kung bakit sinikreto ang anak nila ni Janella Salvador

Imahe mula sa Instagram | Janella Salvador at Markus Paterson
  • Ipinaliwanag ni Markus Paterson kung bakit hindi nila agad isinapubliko ang pagdadalantao ni Janella Salvador
  • Aniya, natakot sila dahil alam nilang ‘harsh’ ang mundo
  • Ngunit ngayon ay masaya sila dahil naipakilala na nila sa publiko ang baby boy nilang si Jude

Inamin ni Markus Paterson na noong una ay natakot silang ipaalam sa publiko ang tungkol sa pagdadalantao ng kaniyang girlfriend na si Janella Salvador.

Imahe mula sa YouTube | M & J & J

Sa isang panayam sa “We Rise Together,” sinabi ni Markus na bagama’t alam nila na balang araw ay ipakikilala rin nila sa publiko ang kanilang baby boy na si Jude ay nagdalawang-isip sila. “We knew that the world is very harsh… Noong una, talagang we wanted to shield him from everything and keep everything as quiet as possible,” paliwanag niya.

Maliit na circle ng mga kaibigan nila sa showbiz ang unang nakaalam tungkol dito at nagpasalamat siya dahil pinanatili nila itong sikreto.

“Unang-una sa lahat, shout out sa lahat ng close friends and family namin that kept the secret with us. That helped us throughout the journey. Pero ayon, he is out, he is happy, he is growing, he’s fat and we are happy. And everything is beautiful,” sabi ni Markus.

Imahe mula sa Instagram | Janella Salvador

Martes nang isapubliko nila ang pregnancy journey ni Janella sa pamamagitan ng kanilang YouTube channel na M & J & J. Oktubre 20 noong 2020 nang isilang ng aktres ang kanilang anak

[RELATED: “Hi World, it’s time”: Janella Salvador, Markus Paterson may pasilip na larawan kasama ang isang sanggol]

Pagbabahagi ni Markus, kakaiba ang kaniyang naramdaman noong unang beses na makita si Jude.

“The moment na I saw him, parang a whole wave just kind of took over my body na parang lahat ng priorities ko ay nawala, went out of the window, like everything is now for him,” sabi ng aktor.

“And hindi ako naiyak, hindi ako natawa. Parang nakatulala lang ako nakatitig sa kaniya for hours. Until now his smiles are the most beautiful thing in the world. Lahat ng hirap, lahat ng early morning wake up, sobrang worth it kapag nakita ko ang mukha niya. It’s all about him na.”

Source :

YouTube, YouTube

Loading…