Mayor Belmonte ‘di magpapatupad ng lockdown sa Brgy. Kamuning dahil sa bagong COVID variant

Imahe mula sa Wikipedia
  • Hindi isasailalim sa lockdown ng QC gov’t ang Brgy. Kamuning
  • Isang uri umano ito ng diskriminasyon na wala namang basehan
  • Nakatira kasi doon ang unang pasyenteng Pinoy na nagpositibo sa bagong COVID variant

Hindi isasailalim sa lockdown ang Barangay Kamuning kahit doon pa nakatira ang unang pasyenteng Pinoy na nagpositibo sa bago at mas nakahahawang variant ng COVID-19.

Iginiit  ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na bagama’t doon ang tirahan ng nabanggit na pasyente, hindi na naman ito nakauwi sa kanilang bahay dahil tumuloy kaagad ito sa isolation facility. Hindi rin daw nakasalamuha ng Pinoy ang kaniyang pamilya.

QC Mayor Joy Belmonte| Imahe mula sa Facebook

Iniiwasan umano ng pamahalaang lungsod na magkaroon ng diskriminasyon laban sa isang komunidad lalo pa’t wala naman itong sapat na basehan.

“Kamuning is not in any way more risky than any other part of this country. Huwag po sana natin i-zero in on Kamuning lamang because that is exactly what we’re trying to prevent — discrimination of a community, which has no basis whatsoever in science,” paliwanag ni Mayor Belmonte.

Ayon pa sa alkalde, nagkataon lang na residente ng Kamuning ang unang pasyente ng bagong COVID variant subalit hindi raw ito nangangahulugan na hindi pa ito nakararating sa ibang panig ng bansa.

“While there’s so much attention given to Quezon City because Quezon City has the first variant, it is just coincidental that he happens to reside in Kamuning. It is not an indication that it’s not in other parts of the country by now,” dagdag na pahayag ng punong-lungsod ng QC.

Imahe mula sa Wikipedia

Noong nakaraang araw, kinumpirma ng Health department ang unang kaso ng UK COVID variant sa Pilipinas.

Isang real estate agent ang pasyente na bumiyahe patungong United Arab Emirates (UAE) noong Disyembre 27 kasama ang kaniyang kasintahan at bumalik sa bansa nitong Enero 7.

Kaagad silang isinailalim sa quarantine at hindi na nakalabas pa ng isolation facility matapos magpositibo ang lalaki. Negatibo naman sa test ang kaniyang GF subalit muli itong isasailalim sa panibagong swab testing.

Lahat naman ng pasaherong nakasabay ng dalawa sa eroplano papauwi ng bansa mula sa UAE ay tinutunton na para sa malawakang contact tracing.

Loading…