Mayor Vico Sotto kahawig ng isang miyembro ng Korean group na “EXO” ayon sa mga netizens

  • Inihambing ng mga netizens si Pasig City Mayor Vico Sotto kay EXO member Do Kyungsoo
  • Ang EXO ay sikat na South Korean-Chinese boy group
  • Pabirong sinabi naman ng mayor na hindi siya miyembro ng EXO sa kaniyang Twitter post

“Hindi po ako member ng EXO.”

Iyan ang simpleng reaksyon ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kumakalat na larawan sa social media na naghahambing sa kaniya kay Kyungsoo, isang K-Pop idol na miyembro ng sikat na South Korean-Chinese boy group na “EXO.”

Makikita ito sa Twitter post mismo ng mayor sa unang araw ng Enero 2021.

Imahe mula sa Twitter account ni Mayor Vico Sotto

Isang yearbook photo kasi ni Mayor Vico ang idinikit sa mukha ni Kyungsoo. Mapapansin ngang may resemblance siya sa naturang Korean star, lalo pa’t nagkapareho pa sila ng haircut.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Umamin ka na mayor ‘di mo kami maloloko na mga taga-Pasig! We love you Kyungsoo ng Pasig!” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Para sa akin, mas guwapo ang mayor ng Pasig! Hindi lang sa pisikal na katangian kundi sa kaniyang excellent leadership skills. We love you Mayor Vivico! Ikaw ang tagapagligtas ng Pasig City!”

“Oo nga may resemblance sila infairness!” wika naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Isang That’s Okay o For Life (English version) naman diyan. Char! Happy New Year, mayor! Atabs mo kami.”

Ang EXO boy group ay binuo ng SM Entertainment noong 2011 at nagsimula ang kanilang debut noong 2012. Ang kanilang genre ay pop, hip-hop, at R&B na nasa wikang Korean, Mandarin, at Japanese.

Ang naturang banda ay nasa top 5 “most influential celebrities” sa Forbes Korea Power Celebrity list mula 2014 hanggang 2018, at nabigyan ng label na “Kings of K-pop” at “Biggest boyband in the world” ng iba’t ibang media outlets.

Imahe mula sa Twitter

Samantala, si Mayor Vico Sotto naman ay anak ng celebrities na sina Coney Reyes at Eat Bulaga host Vic Sotto. Bagama’t seryoso sa kaniyang tungkulin, nakuha naman ni Mayor Vico ang pagiging witty at komedyante ng kaniyang amang si Vic, batay sa kaniyang mga social media posts.

Sa palagay mo, magkamukha nga ba sila?

Loading…