Meralco magtataas ng singil ngayong Enero, pagbibigay ng disconnection notice sisimulan rin

Imahe mula sa Bilyonaryo
  • Taas-singil sa kuryente ang sasalubong sa mga Meralco customers ngayong taon
  • Tataas ang singil sa kuryente ng 27.44 centavos kada kilowatt hour
  • Mula sa dating singil na P8.4753 per kWh noong Disyembre ng nakaraang taon ay magiging P8.7497 per kWh na ito
  • Sisimulan na rin sa susunod na linggo ang pagbibigay ng disconnection notice sa mga customers na mayroong arrears

Mas mataas na singil sa konsumo ng kuryente ang sasalubong sa mga customers ng Meralco ngayong taong 2021 matapos ianunsyo ng kumpanya ang pagsasagawa nito ng upward adjustment sa electricity rate.

Imahe mula sa ABS-CBN

Tataas ang singil sa kuryente ng 27.44 centavos kada kilowatt hour (kWh). Mula sa dating singil na P8.4753 per kWh noong Disyembre ng nakaraang taon ay magiging P8.7497 per kWh na ito.

Aabot sa P55 ang dagdag-singil sa mga residential customers na kumokonsumo ng 200kWh; P82 para sa 300 kWh; P110 para sa 400 kWh at P137 para sa 500 kWh.

Ayon sa Meralco, sa kabila ng pagtaas na ito ay higit na mas mababa pa rin ito kumpara sa electricity rate noong January 2020.

“Lower demand led to fixed costs from power suppliers being spread over lower energy volume, resulting in higher effective generation rates to consumers. Despite the increase, this month’s overall rate is still more than P0.70 per kWh lower than January 2020’s rate of P9.4523 per kWh,” pahayag ni Joe Zaldarriaga, ang spokesperson ng kumpanya.

Screenshot mula sa GMA video

Matapos ang ilang buwang no-disconnection policy para sa mga households na may balanse pang natitira  sinabi ng Meralco na magsisimula na sila sa pagbibigay ng disconnection notice simula sa susunod na linggo.

May palugit naman umanong ibibigay para makapagbayad ng arrears. Wala pang disconnection hanggang katapusan ng Enero para sa  mga customers na kumokonsumo lang ng hanggang 200 kWh.

Imahe mula sa Bulgar Online

“There’s a process involved naman d’yan. Kung natanggap din naman nila, they still have time to settle their arrears but I think by next week we may be implementing already the collection due and demandable,” ani Joe Zadarriaga.

Loading…