Meryll Soriano kay Joem Bascon: Your love is unparalleled

Imahe mula sa Instagram | Meryll Soriano
  • Nagbahagi ng appreciation post si Meryll Soriano para sa kaniyang nobyong si Joem Bascon
  • Aniya, mula sa kaniyang pregnancy journey hanggang sa manganak na siya ay inaalagaan siya ng aktor
  • Unang araw ng 2021 nang ibahagi ni Meryll ang kanilang family photo na nagsilbing kumpirmasyon na nagkabalikan nga sila ni Joem

May appreciation post ang aktres na si Meryll Soriano para sa kaniyang nobyong si Joem Bascon na labis ang pag-aalaga sa kanila ng kanilang new-born baby.

Imahe mula sa Instagram | Meryll Soriano

“Thank you for taking care of me — now US. Your love is unparalleled,” sabi ni Meryll sa isang Instagram post kalakip ang larawan ni Joem.

Bago ito ay ibinahagi rin ni Meryll ang pag-aalaga sa kaniya ni Joem noong siya ang nagdadalantao pa lamang lalo na at “risky and difficult” ang kaniyang pregnancy dahil 38 anyos na siya.

“I also acquired Gestational Diabetes (GDM) on my 6 to 7 months of pregnancy, which meant 4 times a day glucose tests, 4 times a day of insulin shots, and nth goodbyes to donuts, chocolates, and cakes until I give birth,” pagbabahagi niya.

Imahe mula sa Instagram | Meryll Soriano

Dahil dito ay nag-workout daw siya apat hanggang limang beses kada linggo, nag-baby yoga at siniguradong healthy ang kaniyang mga kinakain.

“I am so proud to have a healthy pregnancy and safe delivery but I could not have done it without Dud. He helped me stay on track. He stopped buying Cloud-9 and HawHaw,” ani Meryll. “He did pregnant workouts with me. And, there are no words to explain the taking-care-of-me part. He’s the best. Thank you so much, Dud.”

Unang araw ng 2021 nang ibahagi ni Meryll ang kanilang family photo na nagsilbing kumpirmasyon na nagkabalikan nga sila ni Joem. Naging usap-usapan ito matapos na maghiwalay sina Joem at ang kaniyang partner sa loob ng walong taon na si Crisha Uy.

Loading…