Mga doktor na nagbigay ng unauthorized COVID-19 vaccine posibleng alisan ng lisensya – DOH

Imahe mula sa PNA
  • Mga doktor na nag-administer ng mga unauthorized COVID-19 vaccine posibleng alisan ng license to practice
  • Nabalitaan ng DOH at FDA na ilang mambabatas ang nagkita-kita sa isang marangyang hotel para magpabakuna
  • Hindi naniniwala si Sec. Duque na pinilit ng mga mambabatas ang mga doktor para bakunahan sila

Maaaring tanggalan ng license to practice ang mga doktor na nag-administer ng COVID-19 vaccine dahil wala pang inaaprubahang bakuna ang pamahalaan, ayon sa Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA).

Imahe mula sa SCMP

“We will investigate the illegal administration of unauthorized smuggled vaccines, specifically doctors and other medical professionals who administer them. We will have their medical licenses revoked. We doctors have an oath. Do no harm. In a pandemic, we need to be more circumspect,” pahayag ni DOH Secretary Francisco Duque III kaugnay ng mga ulat na ilang politiko ang nabakunahan na ng COVID-19 vaccine.

Sa inilabas na joint statement ng DOH at FDA, sinabi ng mga ito na nakarating sa kanila ang balitang ilang mga mambabatas ang nagtagpo sa isang mamahaling hotel upang “magkape,” subalit nagpaturok ng COVID-19 vaccine sa isang silid doon.

Sinabi ni Sec. Duque na naniniwala siya na hindi pinilit ang mga doktor para magbigay ng bakuna.

“I’m not buying the explanation that the doctors administering the shots are being pressured by lawmakers. Someone is peddling the service and it is unacceptable,” aniya.

Imahe mula sa Pexels

Ayon naman kay FDA Director General Eric Domingo, ang FDA kasama ang DOH at Bureau of Customs ay mahigpit na nagmamatyag upang mapigilan ang ilegal na pagpasok sa bansa ng mga unauthorized COVID-19 vaccines.

Matatandaang inamin ni Presidential Security Group Commander Brigadier Geneeral Jesus Durante III na nabakunahan na ang ilang security detail ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit wala pang inaaprubahang COVID-19 vaccine ang FDA.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Aniya, ang mga PSG members mismo ang nagturok ng bakuna sa kanilang sarili at hindi mga medical professionals.

Source :

ABS-CBN, Inquirer

Loading…