Mga guro sa DepEd: I-refund na ang communication expenses at i-release ang mga benepisyo

Imahe mula sa ACT
  • Nananawagan ang ACT sa DepEd na i-reimburse ang internet expenses ng public school teachers sa distance learning at i-release na ang mga benepisyong matagal nang hinihintay
  • Hindi umano makatarungan na ipasagot sa mga guro ang distance learning expenses sa loob ng maraming buwan
  • Muli ring iginiit ng ACT na mabigyan ng P1,500 per month na internet allowance ang mga guro at kawani na nasa ilalim ng work-from-home set-up

Nananawagan sa Department of Education (DepEd) ang isang grupo ng mga guro na i-refund sa mga public school teachers ang communication expenses at i-release na ang mga benepisyo na matagal na nilang hinihintay.

Imahe mula sa ACT

Binanggit ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa liham nito sa DepEd na may petsang January 12, 2021, ang mga hinaing ng mga public school teachers mula sa 15 regions ng bansa na incomplete o non-release ng reimbursement ng P300 per month communications expenses nila mula Marso hanggang Disyembre ng 2020.

Ang reimbursement ay awtorisado umano sa ilalim ng DepEd Order No. 38, series of 2020 na inilabas noong November 2020.

“It is unfair enough of the government to make the teachers shoulder the distance learning expenses for so many months while they themselves struggle to survive the pandemic, making them suffer with the tedious and unreasonable refund process for a measly amount is already too insulting for our teachers,” sabi ni ACT Secretary-General Raymond Basilio.

Imahe mula sa ACT

Bukod sa refund ng mga ginastos nila dahil sa distance learning na ipinatutupad ng DepEd, nananawagan din ang ACT sa kagawaran na ibigay na ang Performance-Based Bonus 2019 at ang Service Recognition Incentive 2020 na matagal nang atrasado ang pag-release.

“Christmas and New Year are already over, employees of other agencies have already received it but the employees of DepEd employees are waiting for it,” reklamo ni Basilio.

Muli ring iginiit ng ACT na mabigyan ng P1,500 per month na internet allowance ang mga guro at kawani na nasa ilalim ng work-from-home set-up. Hindi raw dapat inaawas ito sa maliit na sahod ng education workers.

Umaasa ang grupo na ngayong 2021 ay tutuparin na ng DepEd ang responsibilidad nito sa mga public school teachers.

Imahe mula sa ACT

Loading…