Mga guro umalma sa posibleng pagsama sa kanila sa vaccination team training ng DOH

  • Nagbigay ng reaksyon at komento ang mga guro sa balitang baka isama sila sa training o pagsasanay sa vaccination teams kontra COVID-19
  • Ito ay ginagawa lamang daw ng lisensyadong health professionals
  • Batay ito sa lumabas na balita sa Teleradyo

Umalma ang mga guro sa napabalitang baka isali sila sa training ng mga magiging bahagi ng vaccination teams ng Department of Health (DOH)  para sa bakuna ng COVID-19.

Ibinahagi ng isang guro sa pampublikong paaralan na si “Reymart Arellano” sa kaniyang Facebook post ang screen grab ng balita sa “Teleradyo” nitong Enero 15, 2021 na baka posibleng isali ang mga guro sa pampublikong paaralan, para sa pagsasanay o training ng mga vaccination teams na magsasagawa ng pagbabakuna.

Imahe mula sa Facebook account ni Reymart Arellano

“Sabi ko na hindi lang sa pagtuturo ang skills naming mga guro, baka mag-shift na ko sa pagiging nurse,” saad niya sa caption.

Narito naman ang ilan sa reaksyon at komento ng mga netizens:

“DOH, kapag nagche-check kami ng modules ‘di naman namin kayo dinadamay ah.  Bakit may ganyan? Hahahaha,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Ang gumagawa po niyan ay licensed health professionals. Kahit siguro ‘di na ako isama sa training pero si Duque ang tuturukan ko. Madali lang po ‘yan.”

“Gagawin nilang ‘Jack of all Trades’ ang mga guro. Kumbaga sa kasambahay, ‘all-around.’ Buhay-guro talaga,” pahayag naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Excited much… hindi naman lahat sa team mag-iinject, limited lang po ‘yung able mag-inject,  so, other roles such as documentation and registration should be delegated to maximize the human resources that we have.”

“Kalma po tayo mga kapwa kong guro. I think HINDI magtuturok ang mga teachers, sa perspective ng isang health professional. BAWAL po iyon, ang dapat magturok ay mga licensed health professionals. Hindi po biro ang mag-administer ng drug thru injection. INAARAL PO ‘YAN. I think more on information dissemination ito as part ng vaccination team later kapag may mass vaccination na,” paliwanag naman ng isa.

Public Domain Image

Ayon sa DOH, isa sa mga prayoridad na mabigyan ng libreng bakuna ang mga guro, dahil itinuturing din silang frontliners.

Source :

Facebook, PNA

Loading…