Mga kumpanya hindi papayagang mag-operate kahit bigyan ng prangkisa hangga’t ‘di nagbabayad ng tax – Pres. Duterte

Imahe mula sa PNA
  • Nagbabala si Pang. Duterte sa mga kumpanya na nag-aapply ng prangkisa
  • Hindi umano maaaring mag-operate hangga’t hindi nagbabayad ng tamang buwis
  • Nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi patungkol sa ABS-CBN ang pahayag ng Pangulo, pero applicable iyon sa naturang TV network

Mariing ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi mapahihintulutang makapagsimula ng operasyon ang anumang kumpanya kahit mabigyan pa ng prangkisa hangga’t hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Imahe mula sa PCOO

Aniya, kahit ilang libong prangkisa pa ang ibigay ay hindi ito papayagang makapag-operate, pero sasaludo raw siya ng limang beses kung magbabayad ang mga ito sa pamahalaan.

“Maski na bigyan ninyo ng limang libong franchise ‘yan, hindi i-implement ‘yan… Just because you gave them franchise, it does not follow that all of their misdeeds in the past are condoned,” pahayag ni Pangulong Duterte sa isang televised briefing noong Lunes, ika-18 ng Enero.

“Did I not tell you noon, sinabi ko sa inyo itong gobyernong na ito para ito sa mahirap? Kita naman ninyo kung sino ang binibira ko, ‘yun ‘yung hindi bumabayad ng buwis and riding on its popularity… yet abandoning its duty to government.  And you ask protection from government for your business, in return you pay your taxes correctly,” sabi pa ng Pangulo.

Hindi man tahasang sinabi ng Pangulo na patungkol ito sa ABS-CBN, na naipasara noong nakaraang taon matapos ang pitumpung taon ng operasyon dahil sa usapin sa prangkisa, inamin ni Presidential Spokesperson na applicable ang statement ng Pangulo sa naturang TV nertwork.

Imahe mula sa BWO

“All of them are addressed to those applying for franchise and insofar as ABS-CBN is one of them, I guess it is a safe conclusion, it is also applicable to ABS-CBN, but it applies to all those who want a franchise,” sabi ni Roque hinggil sa naging pahayag ng Presidente.

Ang pahayag ni Pang. Duterte ay kasunod ng paghahain ng ilang mambabatas ng panukalang batas, kabilang na si Representative Vilma Santos-Recto at mga Senator na sina Tito Sotto at Joel Villanueva, na mabigyang muli ng prangkisa ang ABS-CBN.

Imahe mula sa Kapamilya Kingdom via Facebook

Loading…