Mga lansangan isinara, 7k MPD cops idedeploy sa inaasahang pagdagsa ng Black Nazarene devotees

Imahe mula sa Quiapo Church
  • Nagpatupad ng road closure at rerouting ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila sa inaasahang pagdagsa ng mga Black Nazarene devotees sa Quiapo
  • Magtatalaga ng 7,000 MPD cops sa ilang lugar sa paligid ng Quaipo Church para sa kaayusan ng kapistahan

Magpapakalat ng 7,000 cops ang Manila Police District (MPD) sa ilang “control points” sa paligid ng Quiapo Church para sa nalalapit na Black Nazarene Feast sa Sabado, ika-9 ng Enero.

Imahe mula sa ABS-CBN

Ayon kay MPD Director Brig. Gen. Leo Francisco, magtatalaga ng mga police officers sa San Sebastian Church, Sta. Cruz Church  at sa Quiapo Church upang makontrol ang bilang ng mga deboto ng Itim na Nazareno na dadalo sa mga misa.

Aniya, ang mga law enforcers na ipapakalat ay magdadala ng mga rattan sticks upang masiguro na ang physical distancing ay masunod sa araw ng kapistahan.

Maximum tolerance umano ang ipatutupad ng MPD, subalit nagpaalala ito na darakpin ang mga debotong magiging pasaway.

Bilang pagsunod sa patakaran ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na 30% lang ng capacity ng simbahan ang papayagang makapasok, hanggang 400 devotees lang ang papayagan sa bawat misang isasagawa.

Imahe mula sa Manila PIO

Labinglimang misa ang nakatakdang gawin sa araw ng kapistahan kaya hanggang 6,000 lang ang maaaring pumila para makapasok sa simbahan. Hindi papayagan sa simbahan ang mga 15 years old pababa at matatandang edad 65 pataas.

Nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng road closures, rerouting at parking plan dahil sa inaasahan pa ring pagdagsa ng mga deboto sa Quiapo sa kabila ng suspensyon sa Traslacion ng Itim na Nazareno. Sisimulan ito sa Martes, Ika-8 ng Enero.

Imahe mula sa Manila PIO

Nakiusap si Mayor Isko Moreno sa mga deboto na hangga’t maaari ay sa kani-kanilang tahanan na lang taimtim na salubungin ang kapistahan.

Loading…