Mga Manilenyo hinimok ni Yorme na magparehistro para sa libreng COVID- 19 vaccine

Imahe mula sa Manila PIO
  • Inilunsad ng Lunsod ng Maynila ang isang website para makapagparehistro ang mga residente na nais mabigyan ng libreng COVID-19 vaccine
  • As of January 2, 2021 ay umabot na sa 35,491 ang mga Manila residents na nagparehistro sa https://manilacovid19vaccine.com para sa libreng bakuna
  • Hinimok ni Yorme ang mga residente na magparehistro para sa libreng COVID-19 vaccine na inaasahang magiging available ngayong taong 2021

Hinimok ni Manaila Mayor Isko Moreno ang mga residente ng Lungsod ng Maynila na magparehistro para sa libreng pagpapabakuna kontra COVID-19.

Imahe mula sa Manila PIO

Bilang paghananda sa posibleng pagdating ng mga bakuna ngayong taong 2021, inilunsad ng pamahalaan ng Lungsod ng Maynila ang isang website kung saan maaaring magparehistro ang mga residente na nais mabakunahan kontra sa novel coronavirus.

Ayon kay Yorme, sa sandaling dumating ang mga bakuna, bibigyan ng unang prayoridad ang mga health care frontliners at mga senior citizens batay na rin sa mga polisiyang inilatag ng World Health Organization, Department of Health at ng Inter-Agency task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Magpareserve na kayo ng inyong slot sapagkat ang pagbabakuna ay voluntary,” panawagan ng alkalde sa mga residente ng Maynila.

Ibinahagi ng alkalde na nakapirma na ang lokal na pamahalaan ng non-disclosure agreement sa dalawang malalaking foreign pharmaceutical companies na nakagawa na ng COVID-19 vaccines.

Imahe mula sa

“Loobin nawa ng Diyos sa darating na araw, linggo at buwan, na tayo ay makapirma na ng advance marketing commitment contract to acquire and reserve para sa initial na 400,000 dosage para sa 200,000 na mamamayan ng Lungsod ng Maynila,” wika ni Mayor Isko.

Ang deployment process para sa mass vaccination ay preparado na umano sa tulong ng Manila Health Department.

Ang mga COVID-19 vaccines na bibilhin ng Maynila ay aprubado na sa ibang bansa para magamit, subalit ang Food and Drug Administration ng Pilipinas ay wala pang inaaprubahang mga bakuna.

Screenshot mula sa Manila PIO video

Tiniyak ni Mayor Isko na tanging ang mga vaccines na aprubado at rehistrado sa bansa ang gagamitin nila para masiguro na ligtas at mabisa ang mga ito.

As of January 2, 2021 ay umabot na sa 35, 491 ang mga Manila residents na nagparehistro sa https://manilacovid19vaccine.com para sa libreng COVID-19 vaccine.

Screenshot mula sa Manila PIO video
Source :

PNA, Inquirer

Loading…