Mga Manilenyo na nagbakasyon sa probinsya, kailangan ang swab test bago makauwi sa bahay

Imahe mula sa PNA
  • Kailangang sumailalim sa swab test ang mga Manila residents na galing sa pagbabakasyon sa probinsya
  • Kailangan nilang manatili sa quarantine facilities nang hanggang dalawang araw habang hinihintay ang resulta ng swab test na libreng ibibigay
  • Bibigyan ng medical certificate ang mga residente na magnenegatibo sa COVID-19 na magsisilbing clearance upang payagang makabalik sa kanilang barangay

Kailangang magpa-swab test ang mga residente ng Lungsod ng Maynila na galing sa pagbabakasyon sa probinsya bago sila payagang makapasok sa kani-kanilang barangay.

Imahe mula sa PNA

Nakasaad sa memorandum ni Manila Barangay Bureau Director Romeo Bagay na ibinigay sa mga punong barangay, ang lahat ng mga residente na pabalik galing sa pagbabakasyon sa probinsya ay kailangang dumiretso sa mga testing facilities sa kanilang distrito bago payagang makauwi sa kanilang mga tahanan.

Kailangan nilang manatili sa quarantine facilities nang hanggang dalawang araw habang hinihintay ang resulta ng swab test na libreng ibibigay.

“Upang maiwasan ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila pagkatapos ng panahon ng kapaskuhan, ang lahat ng tao na babalik sa ating lungsod simula Enero 2, 2021 ay kinakailangan na sumailalim sa RT-PCR o swab test bago tanggapin sa kanilang barangay,” saad sa memorandum.

Ayon kay Dr. Arnold Pangan, ang acting City Health Officer, kung sa loob lang ng Metro Manila nagbakasyon ang residente ay hindi na nito kailangang sumailalim sa swab test, subalit hinihikayat pa rin na magboluntaryo na ma-testing.

Screenshot mula sa CNN PH

“If returnee will come from within Metro Manila, returnees may volunteer to get tested, Manila Health Department will accommodate them. If returnee will come from outside Metro Manila, returnees are required to undergo swab testing,” ayon kay Dr. Pangan.

Nilinaw ng doktor na kung overnight o isang araw lang namalagi sa labas ng Maynila ang residente ay hindi na nito kailangang ang swab test.

Ang mga testing faciliteis ay matatagpuan sa anim na distrito: District 1 – T. Paez Quarantine Facility; District 2 – Patricia Sports Complex Quarantine Facility; District 3 – Arellano Quarantine Facility; District 4 – Dapitan Sports Complex Quarantine Facility; District 5 – San Andres Sports Complex Quarantine Facility; District 6 – Bacood Quarantine Facility.

Imahe mula sa Manila PIO

Bibigyan ng medical certificate ang ibibigay sa mga residente na magnenegatibo sa COVID-19. Magsisilbi itong clearance upang payagang makabalik sa kanilang barangay.

Source :

PNA, Inquirer

Loading…