
- Mag-iisyu ang DOH ng vaccine passport sa mga Pinoy na mababakunahan
- Ang “passport” ang magsisilbing patunay na nabakunahan na kontra sa COVID-19
- Magkakaroon din ang DOH ng data registry para sa lahat ng COVID-19 vaccine recipients
Ang bawat Pilipinong mababakunahan ay bibigyan ng Department of Health (DOH) ng “vaccine passport’ bilang katunayan na naturukan na sila ng COVID-19 vaccine.

Bukod sa pag-iisyu ng vaccine passport, magkakaroon din ang DOH ng data registry para sa lahat ng nabigyan na ng bakuna kontra sa COVID-19.
“Itong vaccine passport na ito, mayroon po tayo. Magkakaroon tayo ng ganyan. As we have said in the previous na mga pag-uusap, magkakaroon po tayo ng data registry for all recipients,” pahayag ni Undersecretary Ma. Rosario Vergeire.
Sabi niya, ang bawat taong mababakunahan ay bibigyan ng quick response (QR) code.
“This would be something of a unique identifier for a specific person who will receive the vaccine,” ani Usec. Vergeire tungkol sa QR code.
Bibigyan din ang mga taong nabakunahan ng isang card na magsisilbing patunay na nabakunahan na sila. Nakasaad sa card kung ilang dose na ang natanggap.

“They will also have a card that will serve as proof that they have been vaccinated, and will contain information on whether they received one or two doses already,” sabi pa ng DOH official.
Sa tanong kung ano ang epekto sa mga taong ayaw magpabakuna sakaling ipatupad ng Inter-Agency Task for for the Management of Emerging Infectious Disease bilang health protocol ang pagkakaroon ng vaccine passport upang makalabas o makapasok ng bansa, sinabi ni Usec. Vergeire na kailangang sumunod sa protocol.

“If it’s a protocol ‘pag hindi kayo makakapag-comply dun sa protocol na dapat mayroon kang vaccine na passport or this card, which certifies you have been vaccinated, hindi ka makakalipad,” sagot niya sa katanungan.