Mimiyuuuh sinurpresa ang mga magulang ng bagong kotse

Imahe mula sa video ni Mimiyuuuh via YouTube
  • Sinurpresa ng vlogger na si Mimiyuuuh ang kaniyang mga magulang ng isang bagong sasakyan
  • Ito ang unang beses na nagkaroon sila ng sasakyan
  • Masaya raw si Mimiyuuuh dahil magiging mas komportable na ang biyahe ng kaniyang mga magulang ngayon

Matapos bumili ng bagong bahay para sa kaniyang pamilya ay sinurpresa naman ng vlogger na si Mimiyuuuh ang kaniyang mga magulang ng bagong sasakyan.

Imahe mula sa video ni Mimiyuuuh via YouTube

Kuwento ni Mimiyuuuh, ito ang unang beses na magkakaroon ng sasakyan ang kaniyang pamilya dahil noon ay nagrerenta o nakikisabay lamang sila.

“This vlog is very special because bibili na ako ng aming very first car. Ever since the Lord made me, never po talaga kaming nagka-car. Parati po kaming nag-aarkila, nakikisabay, or nag-ga-Grab. Kumikita na rin po ako so after house, you gotta have some car,” sabi ni Mimi.

Naisip niya rin daw na bumili na ng kotse upang maging komportable ang kaniyang mga magulang sa tuwing babiyahe.

“Gusto ko lang din maging comfortable ang kanilang pagta-travel. They have been working really hard since Day 1 and it’s about time na laid back na lang sila sa car. Slowly, nakakapag-give back na ako to them,” dagdag niya.

Imahe mula sa video ni Mimiyuuuh via YouTube

Emosyonal naman na nagpasalamat ang kaniyang mga magulang nang makita ang kanilang brand new car.

Noong isang taon lamang ay ibinahagi ni Mimiyuuuh na masaya siya dahil naibigay niya na ang dream house niya para sa kaniyang pamilya.

“Super surreal po kasi ‘yon po talaga ‘yong dream ko for my family, to have a home na matatawag ko po talagang amin. So ayun po, super excited ako to make new memories sa bahay namin.”

[Related: Vlogger na si Mimiyuuuh, nakamit na ang dream house]

Hiling ng vlogger, sana ay marami siyang na-inspire na magsikap para sa kanilang pamilya.

“Sana ay na-inspire ko po kayo to do the best that you can to make your parents’ and your family’s life better,” pagtatapos niya.

Panoorin dito ang kaniyang vlog:

Source :

YouTube

Loading…