Mocha Uson nagsalita na tungkol sa balitang buntis siya kay Robin Padilla

Screenshot mula sa Facebook/Tempo
  • Naglabas na ng pahayag si Mocha Uson tungkol sa balitang nagdadalantao siya
  • Pinasinungalingan niyang buntis siya sa aktor na si Robin Padilla
  • Isinisi rin nito sa kaniyang mga kritiko ang kumalat na tsismis

Ilang raw matapos lumabas ang usap-usapang nagdadalantao siya, naglabas na ng pahayag sa social media si Mocha Uson para pasinungalingan ang kumalat na balita.

Sa isang Facebook video, kung saan makikitang nagwo-workout ang kontrobesiyal na blogger at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy administrator, itinanggi ni Mocha ang mga bulungan na siya ay buntis at ang ama umano ng kaniyang dinadala ay walang iba kung hindi si Robin Padilla.

Screenshot mula sa Facebook video ni Margaux “Mocha” Uson

Buntis daw ako kay Robin? Wala pong katotohanan yang tsismis na yan. Napakabait po nung tao. Nakakahiya naman kay idol Robin at Mariel,” ayon sa caption ng video.

Dinamay rin ni Mocha ang taga-oposisyon at maging si Vice President Leni Robredo sa isyu ng diumano’y paninira sa kaniya.

“Sigurado ako ang nagpapakalat niyan ay yung mga bitter sa ating gobyerno. Alam ng lahat na ako at si sir Robin ay masugid na supporter ni Pangulong Duterte kaya na lang sinisiraan kami. Kulelat kasi sa survey ang pambato nilang si Robredo kaya kung anu-ano paninira ang iniimbento nila,” wika pa nito.

Noong isang araw ay lumabas ang blind item sa isang entertainment website na may titulong “Controversial female personality, nabuntis ng sikat na aktor?”

Marami ang humula na ang tinutukoy sa naturang blind item ay sina Mocha Uson at ang aktor na si Robin. Padilla.

Screenshot mula sa Instagram ni Mariel Padilla

Dahil dito, napilitang maglabas ng pahayag ang misis ni Robin na si Mariel Padilla na nakiusap na tantanan na sila sa walang katotohanang balita.

Ani Mariel, nagdadalamati pa ang kaniyang mister sa pagpanaw ng kapatid nito na si Royette at ni hindi nga nito alam ang kumalat na tsismis tungkol sa kanila ni Mocha.

“He is grieving. He has never been in so much pain all his life. He doesn’t need your baseless gossip. He doesn’t even know anything about all this rumor but I am putting a stop to this now,” ayon sa Instagram post ni Mariel.

Click the image to see full post

Loading…