Motorcycle lane at bike lane planong pagtabihin sa kanang bahagi ng EDSA

Screenshot mula sa Agenda video
  • Plano ng MMDA na pagtabihin ang motorcycle lane at ang bicycle lane sa kanang bahagi ng EDSA
  • Sinimulan na ang re-painting ng mga lane markings sa ilang bahagi ng EDSA
  • Plano rin ng MMDA na magkaroon ng Bike-Share Program na ipupuwesto sa lumang bus stops at waiting sheds sa EDSA kung saan maaaring umarkila ng bisikleta ang mga tao

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga pagbabagong gagawin nito sa kahabaan ng EDSA na naglalayong gawing mas ligtas at maayos ang pangunahing kalsada ng Metro Manila para sa mga commuters.

Imahe mula sa C-Magazine

Kabilang sa mga pagbabagong ito ang paglipat ng motorcylcle lane na itatabi sa bicycle lane sa kanang bahagi ng EDSA.

Ibinahagi ni MMDA traffic manager na si Colonel Bong Nebrija na nagsimula na silang mag-repaint ng mga lane markings sa EDSA at dahil dito ay magkakaroon daw ng sobrang dalawang metro sa kanang bahagi ng kalsada kung saan ilalagay ang protected bike lane.

“There are portions of EDSA that have already started the repainting or the changing of lane markings. You can see it’s already aligned with the busway that we have, and there will be an excess, I think, two meters or so on the right side, on the curbside. And that’s the plan, where to put the bike lanes,” ani Col. Nebrija.

“And just like what you said, we’re still working on the possibility of putting it side by side with the motorcycle lane, if only we can get the protected bike lane. It should be protected bike lanes so that it can be side by side with motorcycles,” sabi pa niya.

Screenshot mula sa Agenda video

May isang bilyong pisong pondo na raw para sa proyekto, ayon kay Nebrija. Nasa mga kamay na raw ng Department of Public Works and Highways upang maisakatuparan ang proyekto.

Ayon pa kay Nebrija, plano rin ng MMDA na mgakaroon ng “Bike-Share Program” kung saan ang  publiko ay maaaring umarkila ng bisikleta na ilalagay sa mga lumang bus stops at pedestrian waiting shed.

Imahe mula sa Window Seat

Loading…