Murang gamot para sa gout nakapagpapababa ng mga komplikasyon ng COVID-19

Imahe mula sa RiteMed
  • Gamot sa gout napatunayan sa pag-aaral na nakatutulong para bumaba ang komplikasyon ng COVID-19
  • Sa Pilipinas, ang colchicine ay nabibili lang sa halagang P3.50 hangang P4.00 kada tableta
  • Nagbabala sa publiko ang DOH na huwag mag-self medicate gamit ang colchicine dahil hindi pa ito aprubado sa bansa para magamit kontra sa COVID-19
  • Planong magsagawa ang DOH ng clinical trial para sa colchicine

Ang Colchicine ay matagal nang ginagamit na gamot para sa gout; isang uri ng arthritis. Sa pag-aaral na ginawa sa Canada, nakatulong iyon na bumaba ang mga komplikasyon ng COVID-19.

Imahe mula sa India Mart

“Our research shows the efficacy of colchicine in preventing the “cytokine storm” phenomenon and reducing the complications associated with COVID-19,” ayon kay Dr. Jean-Claude Tardiff, ang director ng Montreal Heart Institute Research Center (MHIRC).

Ang isa pa sa kagandahan ng colchicine ay isa itong tableta.

“We are pleased to offer the first oral medication in the world whose use have a significant impact on public health and potentially prevent COVID-19 complications for millions of patients,” sabi pa si Dr. Tardiff.

Batay sa pag-aaral ng MHIRC sa 4,159 pasyenteng positibo sa COVID-19, napababa ng colchicine ng hanggang 25% ang hospitalization ng mga pasyente; bumaba ng hanggang 40% ang mga pasyenteng kailangang kabitan ng ventilator at 44% ang nabawas sa mortality rate.

Screenshot mula sa GMA video

Sa Pilipinas, ang colchicine ay nabibili lang sa halagang P3.50 hangang P4.00 kada tableta. Isa itong prescription drug na nangangailangan ng reseta ng doktor bago makabili sa mga botika.

Dahil sa positibong resulta ng clinical trial ng cochicine sa Canada, sinabi ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na posibleng magsagawa rin sa bansa ng clinical trial para sa naturang gamot.

“Posibleng magkaroon ng trial ng gamot na ito na sinusunod ng bansang Canada, to be able to benefit from these unexpected, serendipitous effects of colchicine,” wika ng kalihim.

Screenshot mula sa GMA video

Nagbabala siya sa publiko na huwag mag-self medicate gamit ang colchicine dahil hindi pa ito aprubado sa bansa para magamit kontra sa COVID-19. Kailangan pa umano ng sapat na datos mula sa mga bansang naglunsad na ng paggamit ng naturang gamot.

Loading…