Naranasan mo na bang pagtinginan dahil nagdala ka ng “jowa” sa reunion?

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang isang larawan at caption nito
  • Makikita ang mga tao sa larawan na nakalingon sa isang direksyon
  • Ito raw ay karaniwang senaryo o eksena sa mga reunion kapag may dalang “jowa” ang isa sa mga dadalo, na maaaring kapamilya, kaanak, kaibigan, katrabaho, o dating kaklase

Ang reunion o muling pagkikita-kita ng mga taong may espesyal na relasyon sa isa’t isa gaya ng magkakapamilya, magkakamag-anak, magkakaibigan, magkakaklase, o magkakatrabaho ay isa sa mga pagdiriwang na pinaghahandaan, dahil bukod sa kumustahan, ito rin ang nagbibigay-daan upang maipakita ang mga pagbabagong naganap sa iyo, sa panahong malayo kayo sa isa’t isa.

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizens ang isang larawan sa Facebook page na “Eat All You Can” kung saan makikita ang larawan ng mga taong nasa isang reunino, at nakatingin lamang sa isang direksyon.

Imahe mula sa Facebook page na Eat All You Can

“Yung may reunion kayo tapos may nagdala ng jowa,” saad sa caption, na nagdulot naman ng katatawanan sa mga netizens.

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento nila:

“Yung may reunion kayo tapos may dumating na buntis pero walang jowa,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Okay lang naman magdala ng gf or bf pero natawa lang ako sa mga capture nila. Nakaka-relate kasi ako. Minsan nagsama ako ng friend sa reunion, as in friend lang talaga… tapos hindi na nila kami tinantanan ng mga tanong hahaha.”

“Ganiyan din ako noon. Kitang-kita ko kung paano magsiikot ang mga leeg ng mga kapitbahay namin noong dinala ko ang ex-girlfriend ko, na wife ko na ngayon.”

Salaysay naman ng isa, “Kaya minsan nakakailang sa mga reunion eh, kapag nagsama ka. Kikilatisin talaga kung sino yung kasama mo hahaha, kahit na minsan kaibigan mo lang naman. Ganoon nga yata talaga.”

Public Domain Image

Sa kulturang Pilipino, isang tanda ng paggalang ang pagdadala o pagpapakilala sa kasintahan sa iyong pamilya. Ipinakikita kasi nito na may malinis na intensyon ang kasintahan dahil kaya niyang iharap sa pamilya, kaanak, o mga kaibigan ang kaniyang minamahal.

Ikaw, naranasan mo na rin ba ito?

Source :

Facebook

Loading…