Narinig mo na ba ang pamahiing huwag baligtarin ang isda upang walang bumaligtad na bangka?

  • Itinampok sa isang Facebook page ang isang pamahiin, na mas madalas umanong sinusunod ng mga Bisaya
  • Ito ay ang pagbabawal na baligtarin ang ulam na isda kapag nasa hapag-kainan na
  • Maaari daw na tumaob ang bangka ng mangingisda habang nasa gitna o laot ng dagat

“Huwag baligtarin ang isda upang walang bumaligtad na bangka ng mangingisda.”

Iyan ang madalas na maririnig nating pamahiin mula sa mga nakatatanda. Kapag kumakain ng isda sa hapag-kainan, hindi na dapat pang baligtarin ang puwesto nito upang makuha ang laman ng kabilang bahagi. May tataob daw na bangka ng mga mangingisdang naglalayag at nangingisda para may maibenta sa palengke.

Public Domain Image

Iyan ang itinampok sa Facebook page na “Memories of Old Manila” na ibinahagi ng moderator nito na nagngangalang “Tom Ong.” Isinalaysay niya ang pinagmulan ng “proverbial anecdote” na ito sa Pilipinas. Aniya, kilala ang pamahiing ito sa mga taga-Visayas.

“Ang isdang hindi binabaliktad ay isang kultura ng matatanda sa Visayas. Ang pagkain ng isda ng mga Bisaya ay hindi binabaligtad; bagkus, tatanggalin lang ang gitnang tinik at kakaiinin ang nasa bandang ilalim hanggang maubos.” ayon sa caption.

“Naging kaugalian ito ng matatandang Bisaya sapagkat mahirap mangisda sa dagat sa lakas ng alon. Marami ang napapahamak na mangingisda sa karagatan. Naniniwala ang mga matatandang Bisaya na kapag binaligtad ang isda ay babaligtad din ang bangka at mapapahamak din ang mga mangingisda na nanlambat ng isdang iyong kinakain.”

“Kung kaya, ang mga taga-Maynila na bumibisita sa Visayas ay pinaaalalahanan nito. Kapag ang kaibigan mong Bisaya ay inanyayahan ka at binigyan ka ng isda, kainin to at alisin lang ang tinik sa gitna at ubusin. Huwag babaligtarin ang isda.”

Public Domain Image

Kaya paalala niya, “Pamahiin man ito ay hindi na mahalaga kundi ito ay pagbibigay-respeto.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Chinese custom too. Had first-hand experience in China. We were told it brings bad luck if fish is overturned,” pagbabahagi ng isa.

Turan naman ng isa, “Parehas din ng nabasa ko na isang kaugalian din sa Japan, kung hindi ako nagkakamali.”

“Kultura din yan dito sa Thailand… bawal din baligtarin ang isda,” saad naman ng isa.

Ang naturang pamahiin ay karaniwang sinusunod ng mga nakatatanda sa mga bansang Asyano kagaya ng China, na saganang-sagana sa iba’t ibang mga paniniwala at pamahiin.

Public Domain Image

Ikaw, naniniwala ka ba sa pamahiing ito?

Source :

Facebook

Loading…