Netizen binigyang-interpretasyon ang dahilan ng bilang ng taong nakaimprenta sa bawat peso bill

  • Ano nga ba ang kahulugan ng bilang o dami ng tao sa bawat peso bill?
  • Iyan ang binigyang-interpretasyon ng isang netizen na hindi naman nakilala
  • Makikita ito sa isang Facebook page; iba-iba naman ang reaksyon ng mga netizens dito

Sinikap ng isang netizen na bigyang-interpretasyon ang naging dahilan ng bilang ng mga taong nakaimprenta sa bawat peso bill. Magmula sa 20 pesos hanggang sa 1,000 piso, alam ng lahat ng mga Pilipino na may mga nakaimprentang mukha ng mga kilalang tao sa lipunan ng Pilipinas.

Makikita sa Facebook page na “Batang Pinoy-Ngayon at Noon” ang interpretasyon ng isang di-nakilalang netizen hinggil sa bilang ng mga mukhang makikita sa bawat peso bill.

Imahe mula sa Facebook page na Batang Pinoy–Ngayon at Noon

“While looking at these bills, I realized that maybe the person/s on the money has its own purpose. I think, the reason kung bakit isa lang ang tao sa 20, 50, and 100 ay para i-remind tayo na kapag sila pa lang ang laging laman ng wallet mo, you are not ready yet for a relationship,” paliwanag nito.

Sa pagpapatuloy, “Dalawang tao naman for 500 to inform us na kapag si 500 na ang laging laman ng wallet mo, puwede ka na mag-jowa . Lastly, 3 persons naman for 1,000 pesos to tell us na kapag siya na ang laging laman ng wallet mo, you can afford na magka pamilya.”

Nag-iwan naman ito ng tanong sa mga kapwa netizens: “Ikaw? Anong laman ng wallet mo?”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. May mga sumang-ayon at may mga nagbigay naman ng kanilang sariling interpretasyon.

“Mali naman ‘yan… for me, kapag single ka pa lilibuhin laman ng wallet mo, at oras na magkapamilya ka na, madalang na magka-isang libo wallet mo kasi dami nang bayarin. Tingin ko dapat pabaligtad,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Baka nga. May point ka. Infairness ah, ang witty ng nakaisip nito, saka daming time para mag-interpret ng pera.

Public Domain Image

“Wala akong wallet pero heto ang pinakamaliit na laman ng bulsa ng pantalon ko, 500 pesos. Hindi pa sapat para magka-jowa. Huwag ninyo sabihing malaki ang value ng perang ito. Kung ang perang ito ay gagastusin ko kaagad, naku, ubos na kaagad,” pahayag naman ng isa.

Pabirong saad naman ng isa, “I guess it depends on your circle of friends, kapag 20,50,100 doon mo makikita ang tunay na taong nariyan para sa iyo,  kahit ‘yon lang laman ng wallet mo, and kapag 500 at 1,000 pesos natural dadami nasa paligid mo.”

Ikaw, ano sa palagay mo ang lohikang nakapaloob dito? Sang-ayon ka ba sa interpretasyon ng netizen?

Source :

Facebook

Loading…