Netizen hinimok ang publiko na bumili ng crocheted items sa naispatang matandang tindera nito sa Maynila

  • Hinikayat ng isang concerned netizen ang publiko na bumili ng crocheted itemes o ginantsilyong bagay sa naispatang matandang tindera sa Maynila
  • Ang pagbili sa naturang senior citizen ay malaking tulong na raw para sa kaniya
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Kahanga-hanga subalit makabagbag-damdamin angmakakita ng isang nakatatanda o senior citizen na sa halip na nagpapahinga na lamang sa kanilang bahay at ineenjoy ang kaniyang “fruit of labor” ay pinili pang magbanat ng buto para lamang maitawid ang pang-araw-araw na pangangailangan.

Iyan mismo ang naramdaman ng netizen na nagngangalang “Jose Aran” matapos niyang maraanan ang isang matandang babaeng nagtitinda ng mga crocheted items gaya ng pitaka, lagayan ng tubig, at marami pang iba, na siya mismo ang nanggantsilyo. Sa pamamagitan ng Facebook post, hinimok niya ang publiko na tulungan ang matanda sa pamamagitan ng pagbili sa kaniyang mga paninda.

Imahe mula sa Facebook account ni Jose Aran

Salaysay niya, naispatan niya ang matanda sa ilalim ng LRT na malapit sa isang sikat na mall sa Maynila, sa tabi mismo ng Manila City Hall.

“Baka mapadaan kayo sa may ilalim ng LRT sa may sidewalk along old GSIS building papuntang SM Manila.
Bili na kayo kay Nanay ng mga crocheted wallet, lagayan ng water at etc.,” himok niya sa mga kapwa netizens.

“150 ‘tong lagayan ng water (bottle not included) medyo pricy pero effort naman sa pag-crochet ‘yan for sure.
She’s legit happy! Ako daw buena mano niya, free repair kapag may sira balik lang daw sa kanya,” dagdag pa ng naturang concerned netizen.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Parang siya yung nakita ko sa Tayuman naman. Oo si Manang, bumili rin ako sa kanya. Meron akong kulay maroon. Hanapin ko nga,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Sana magawan ng Shopee account si Nanay tapos mas madami siyang clients and hindi na need lumabas talaga ng bahay.”

Imahe mula sa Facebook account ni Jose Aran

“Dati nasa Tayuman siya, sa may malapit Jollibee or gate ng DOH. Ingat po, ‘Nay!” sabi naman ng isa.

Sana ay mabigyang-daan ang post ng netizen upang mas dumami pa ang mga mamimili ni Nanay!

Source :

Facebook

Loading…