Netizen humingi ng payo hinggil sa kung paano nga ba maningil ng utang ‘in a nice way?’

  • Dumulog ang isang netizen sa isang Facebook page hinggil sa usaping pampananalapi
  • Paano raw ba maningil ng utang “in a nice way”
  • Kaibigan pa naman daw niya ang may utang sa kaniya na hindi nagbabayad

Paano nga ba maningil ng utang “in a nice way?”

Iyan ang idinulog ng isang netizen sa Facebook page na “CFO PESO SENSE” kung saan tinanong niya ang mga kapwa netizens kung paano nga ba maiiwasang magtampo o magalit ang isang taong sinisingil ng utang, at hindi humantong sa hindi na nito tuluyang pagbabayad.

Public Domain Image

“Please hide my identity. May utang ang friend ko sa akin ng mahigit 100,000 pesos, 1 year ago na yung due date. Mayroon siyang pinirmahan na kasunduan na nakasaad kung kailan siya dapat magbayad with interest rate. Kahit hindi na sana siya magbayad ng interest, maibalik lang ung inutang niya,” paunang lahad ng netizen.

Kapag sinisingil naman daw niya ang kaniyang kaibigan, lagi nitong sinasabi na wala pa itong pera. Lagi nitong isinasangkalan ang pagkawala ng trabaho sa panahon ng pandemya. Subalit, natuklasan niyang nagsisinungaling lamang ito.

“Paano po ba ako makakasingil? Lagi ko kasi siya tinatanong kung kailan siya magbabayad pero lagi niya sagot, kapag nagkapera na. Dinahilan niya rin sa akin na nawalan siya ng work noong pandemic, tinawagan ko office nila pero naroon pa rin naman siya,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, “Sinabi ko na rin sa kanya na magbayad na lang siya kahit 5,000 pesos per month para mabawasan utang niya pero until now kahit piso wala pa siyang binabayad sa akin.”

kaya tanong niya, “Ano po bang nicest way para talagang makasingil ako sa kanya? Kailangan ko na kasi ng pera. Mukhang ako pa mapapautang sa iba.”

Public Domain Image

Narito naman ang mga reaksyon at komento ng mga netizens.

“Give a fair warning na your planning to deal with him/her in a legal way,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “There is no such a thing as a nice way sa paniningil. Pero may right way. Tutal may papel kayo, kasuhan mo. Just forget about your friendship after that… don’t worry hindi ka nag iisa, marami na nasirang relationship dahil sa pera.”

Saad naman ng isa, “There is no nicer way in dealing with a difficult debtor than giving a final demand until when you can wait and if nothing is done, that is the time you may escalate the matter legally. You need to at least exhaust all remedies and don’t wait for empty promises because they will never materialize.”

Sabi nga, nagkakasira ang anumang relasyon dahil sa pera o utang.

Ikaw, ano ang maipapayo mo sa dumulog na netizen?

Source :

Facebook

Loading…