Netizen ibinahagi ang kaniyang realisasyon sa pakikipagkaibigan

  • Ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang realisasyon hinggil sa pagkakaroon ng kaibigan
  • Aniya, huwag daw matakot ang sinuman na mawalan ng kaibigan
  • Hinango ito sa pahayag ng sikat na artista, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga

“Huwag kang matakot na mawalan ng kaibigan.”

Iyan ang nais na ipahatid na mensahe ng isang di-nagpakilalang netizen sa Facebook page na “Note” kung saan ibinahagi niya ang kaniyang nabuong realisasyon ukol sa pakikipagkaibigan, na maaari din namang pagnilayan ng mga kapwa netizens.

Imahe mula sa Facebook page na Note

Sinimulan niya ang kaniyang FB post sa pag-quote sa sikat na artista at social media influencer na si Alex Gonzaga at sa mga kaibigan nito na “There are seasonal friends.”

“Yung kaibigan mo ng elementary hanggang elementary lang. Yung kaibigan mo nung high school hanggang high school lang. Yung kaibigan mo ng college hanggang college lang. Yung kaibigan mo sa work hanggang work lang. May konting nag-stay pero halos lahat dumaan lang talaga sa buhay mo, to give memories, to give experiences and to learn something,” paliwanag ng netizen.

“Dati takot na takot ako mawalan ng kaibigan but Alex Gonzaga said on her vlog You’re not growing if you’re not losing friends and the reality slapped me so hard,” dagdag pa niya.

Aniya, marami raw siyang matatawag na kakilala subalit bilang na lamang sa kamay ang matatawag niyang tunay na kaibigan.

“Now marami akong kilalang tao pero konti lang sa kanila ang tinatawag kong kaibigan. If you leave go, thank you and if you stay thank you din. Hindi na ko takot mawalan ng kaibigan kasi I already found my true friends na sure ako na hindi ako iiwan,” paliwanag niya.

Imahe mula sa Facebook page na Note

“So you, if you’re reading this, huwag ka matakot mawalan ng kaibigan, walang permanente sa mundo and if you found that true friend na sinasabi ko be thankful enough,” panghuling mensahe niya sa kaniyang post.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Sabi nga nila unexpected friends are the best. Minsan, kung sino pa yung matagal mong naging ka-close, iyon pa yung nawala sa buhay mo. Pero meron naman na sa isang iglap bigla kayong naging friends pero siya yung nag-stay para sa ‘yo through ups and downs. Kaya let’s be thankful sa mga taong hindi tayo iniwan. TRUE FRIENDS ARE THE BEST!” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Iba ang classmates or kakilala sa friends. Ang friends ay naroon sa hirap at ginhawa, parang mag-asawa, kapag nagkamali ka or pinag-usapan nang mga tao, sinasabi sa iyo maski masaktan ka at hindi ka iiwan. Kapag hindi ka true friend kapag nakarinig ng tsismis, sinasabi sa iyo pero kapag hindi ka true friend, hindi sinasabi sa iyo ang tsismis tungkol sa iyo.”

Public Domain Image

“You will see your true friends inside your home… We called it FAMILY!” pahayag naman ng isa.

Sabi naman ng isa, “I agree. Even the best ones leave… however, some of the best choose to stay, has open communication line. Still thankful for them.”

Kaya naman, lagi nating alagaan ang mga kaibigang nanatili sa hirap at ginhawa. Wika nga, sila ay mga kayamanang kaloob ng Poong Maykapal!

Source :

Facebook

Loading…