Netizen idinulog ang problema kaugnay sa karelasyong walang interes sa pag-iipon

  • Idinulog ng isang netizen ang problema niya sa karelasyon na tila walang interes sa pag-iipon
  • Feeling binata raw ito at tila walang pakialam sa magiging kinabukasan ng kanilang anak
  • Nagbigay naman ng iba’t ibang payo ang mga netizens sa kaniya

“Nakakabuwisit.”

Sa ganiyang pahayag sinimulan ng isang di-nagpakilalang netizen ang salaysay patungkol sa kaniyang karelasyon na wala raw interes sa pag-iipon ng pera, sa Facebook page na “CFO PESO SENSE.” Minabuti niyang idulog ang kaniyang problema dahil kapag sa magulang o kapatid, baka ang ending daw ay sisihin lamang sila ng mga ito.

Public Domain Image

“Sobrang pangarap ko makaipon nang malaki para may panimula ng negosyo at para makapagbukod at magkaroon ng sariling buhay dahil pamilyado na ‘ko, kaso itong partner ko kahit anong ipabasa kong nakaka-inspire na kuwento ng pag-iipon, parang wala talagang balak mag-ipon, ‘di ko alam kung anong gusto niyang mangyari sa amin ng anak niya,” saad ng di-nagpakilalang netizen.

“Gusto niya yata dito na lang sa poder ng magulang niya habambuhay. Pinapagawa ko siya ng alkansya para makapagsimula na kami ng ipon kaso hindi siya kumikilos at parang wala talagang excitement sa kanya mag-ipon. Hindi ko alam kung ayaw niya ba iwan magulang niya or ayaw niya iwan mga tropa niya na lagi niyang kainuman,” paliwanag niya.

“Meron pa palang time na nag-uusap kami about sa ipon sabi ko kapag nakaipon kami ipang-negosyo namin, pero ang sabi niya, siya raw gusto niya bumili lang ng laptop or desktop para sa GAMES. Kung sino ba naman hindi mabubwisit sa mindset nito,” dagdag pa niya.

Kaya ang tanong niya sa mga kapwa netizens, ano raw ba ang kailangan niyang gawin upang mabago ang mindset ng kaniyang karelasyon hinggil sa pag-iipon? Nauubusan na raw kasi siya ng pasensiya. Ang kaniyang karelasyon ay may stable na kita naman: 10,000 piso kada dalawang linggo.

Public Domain Image

Narito naman ang mga komento ng mga netizens na nagbigay ng payo sa kaniya:

“Nakakainis ganiyang ugali, yung asawa mo hindi pa ready sa buhay na may asawa kasi feeling binata pa! Ok naman mag-inom basta huwag lang kalimutan ang pamilya saka mahirap yung sitwasyon mo kasi nakikitira kayo sa magulang ng asawa mo. Mas maganda kung bumukod kayo,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Try to open bank account secretly. Then start small amount at least kapag naghiwalay man kayo you have a money to exist new life, para sa kinabukasan ng anak mo. Mahirap kapag buhay binata pa at walang iniisip sa pamilya, nakasandal kasi sa magulang kaya wala siyang iniisip na hirap.”

“Walang pangarap sa buhay at feeling binata. Laptop for games, parang teen! Give him ultimatum. Either he will be responsible or mag-start ka na ng new life mo at maghanap ng mas matinong partner sa buhay. Hindi na uso martir ngayon,” ayon naman sa isa.

Ikaw, ano ang maipapayo mo sa kaniya?

Source :

Facebook

Loading…