Netizen may mensahe para sa mga taong may “silent battle”

  • May mapanghikayat na mensahe ang isang concerned netizen na content creator para sa mga taong may pinagdaraanang problema o silent battle
  • Manalig lamang daw sa Diyos dahil Siya raw ang tutulong at aalalay upang mapagtagumpayan ito
  • Ngumiti lamang at ipaubaya sa Kaniya ang lahat

Lahat ng tao ay may pinagdaraanan. Lahat ay may kani-kaniyang “silent battle.” Hindi tayo nag-iisa.

Kaya naman, may mensahe ang isang netizen at young content creator na nagngangalang “Mark Jerome R. Navarro”  para sa mga taong may “silent battle” o tahimik na pakikipagbuno sa mga pagsubok o hamon sa buhay, lalo na sa panahon ngayon ng pandemya at kawalang-katiyakan.

Ibinahagi ito sa Facebook page na “Note” na nagbigay-inspirasyon sa mga nakabasa nito.

Public Domain Image

“To everyone who’s fighting a silent battle right now, gusto ko lang sabihin na makakaya mo. Okay lang malungkot. Okay lang umiyak. Okay lang mag-spend ng oras mag-isa. Hindi mo naman kailangang maging malakas all the time. God is with us. Maniwala ka lang sa Kanya,” panimulang talata niya.

Diyos raw ang magbibigay ng kalakasan at magtutuwid sa atin sa tamang landaisin tungo sa tunay na kaligayahan. Subalit habang nangyayari ito, hindi naman daw masama ang pag-iyak. Hindi rin naman daw masamang magkaroon ng “sama ng loob” subalit makatutulong daw ang pagdarasal upang mabawasan ito.

“First thing you need to do, magdasal ka kay Lord at patawarin mo sarili mo. Para gumaan ang pakiramdam mo. Let it out and si God, Siya yung handang makinig sa ‘yo, para nailalabas mo at hindi naiipon yung galit. Pero ang pinaka-importante, the pain will be a lesson and eventually end. Huwag kang mawalan ng pag-asa.”

May pagninilay rin siya sa mga bagay na natapos na gaya marahil ng pakikipagrelasyong naunsyami, o negosyong nalugi at kailangang magsara.

Public Domain Image

“Kapag may natapos naman na isang bagay, puwede ka ulit magsimula. An ending is the start of a new beginning. Please fight! Maging totoo ka lang sa sarili mo. There’s no shame being broken. Mas magiging maginhawa at masaya ka rin pagdating ng panahon. Kaya huwag kang susuko!”

“Sometimes brokenness leads to being blessed. Diyan mo mare-realize na may brighter side, may bagong opportunities. Lahat tayo nagkakamali. Walang perfect. Learn to forgive yourself. Pray to God. Give it time. Heal. It is okay to cry. Wipe your face and get back out there like nothing happened.”

“It’s better to be honest with your feelings than to pretend you’re okay because the longer you keep things inside, the more painful it will become. Let it hurt, let it go, and let it heal,” panghuling talata niya.

Samantala, sa isa pang Facebook post, may mensahe rin siya sa mga taong nabasted ng kanilang mga nililigawan, o iniwanan ng kanilang mga minamahal. Sabi niya, ngumiti lamang at cheer up! Marami pa raw kabanata ang buhay, maraming pinaglalabanan, subalit sa huli ay mapagtatagumpayan din. Inihalintulad pa niya ito kay Cardo Dalisay ng teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” ng ABS-CBN.

Public Domain Image

Kaya sabihin natin sa ating sarili: “Kaya ko ito dahil Diyos ang kasama ko!”

Loading…