New Year message ni Doug Kramer sa misis na si Chesca Garcia kinakiligan

  • Para kay Doug Kramer, “kahinaan” niya ang misis na si Chesca Garcia-Kramer
  • Bukod dito, ang maybahay ang siya ring itinuturing niyang rock, soulmate, at pinakamatalik na kaibigan
  • Bahagi ito ng kaniyang sweet message para sa asawa sa pagdiriwang ng Bagong Taon

Isa sa mga “relationship goals” na kinaiinggitan at kinakikiligan ng mga netizens ang mag-asawang Doug at Chesca Kramer, patunay na isa sila sa mga sinusubaybayang celebrity family sa social media, na mas kilala sa tawag na “Team Kramer.”

Sa pagsalubong sa Bagong Taon, kinakiligan ng mga netizens ang mensahe ni Doug para sa kaniyang magandang misis na si Chesca, na makikita sa kanilang mga social media platforms. Makikita ang larawan ng mag-asawa habang kalong at yakap ni Doug si Chesca na tinawag niyang “rock, soul mate, at best friend all wrapped in one.”

Imahe mula sa Facebook/Instagram account ni Doug Kramer

“Let’s be real here. This is me. I may look tough and big, but I’m a softy when it comes to my wife,” saad sa caption ni Doug.

“She is my weakness. I look at her and kiss her as if it was the first time. She is my rock, my soul mate, and my best friend all wrapped in one,” paglalarawan niya sa misis na talaga namang nagpakilig sa lahat.

“Looking forward to 2021 with you sweetheart! I love you my Checa!” pangwakas na pahayag niya.

At syempre, may sweet message din siya sa kaniyang mga anak na sina Kendra, Scarlett, at Gavin sa hiwalay na Instagram post.

“The blessing I count every single day. I love you Kendra, Scarlett and Gavin!” pahayag niya.

Sa Instagram post naman ni Mrs. Kramer, sinabi niyang ang pinakamahalagang bagay sa mundo ay ang Panginoon, pamilya, pagmamahal, pagiging kontento, at pagsasama-sama.

“Holding on to what matters most! God, family, love, contentment, and togetherness. Happy New Year to all!” saad ni Chesca.

Imahe mula sa Facebook / Instagram accounts nina Doug at Chesca Kramer

S Douglas Rimorin Kramer ay unang nakilala bilang mahusay na basketball player ng Philippine Basketball Association o PBA habang si Chesca Garcia-Kramer naman ay isang aktres na kapatid ni Patrick Garcia.

Loading…