“Nice to finally meet you!” Liza Soberano tumugon na sa kaniyang “long lost brother”

  • Nag-tweet back na ang aktres na si Liza Soberano sa Twitter post ni Luke Plowden
  • Matatandaang sinabi ni Luke na siya raw ang male version nito
  • Saad ni Liza, “Hello long lost brother!”

Tumugon na ang magandang Kapamilya actress na si Liza Soberano sa Twitter post ng Japanese-American actor na si Luke Plowden matapos nitong i-tag ang aktres sa kanilang mga larawan, upang kumpirmahin kung siya nga ba ang “male version” nito, ayon na rin sa mga tagahanga at tagasubaybay.

[email protected], I’ve heard from many Filipino fans that I kinda look like a male version of you, I guess I can see that,” saad ni Luke sa kaniyang Twitter post noong Enero 26, 2021. Marami naman sa mga netizens ang nagsabing magkamukha nga sila.

Imahe mula sa Twitter account ni Luke Plowden / Public Domain Image

Basahin:  Japanese-American actor na si Luke Plowden “male version” daw ni Liza Soberano?

Makalipas ang dalawang araw, Enero 28, ay tumugon ang aktres sa mismong Twitter post. Saad ng aktres, “Hello long lost brother!”

“Nice to finally meet you, twin sister!” agad namang tweet back ni Luke; kalakip pa ang peace-sign at laughing emojis.

Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang reaksyon at komento rito. May mga sumang-ayong magkahawig o may resemblance nga sila.

“Hahaha oo nga, pero parang may anggulo lang. I thought you wanna pair up with her in a project when I first saw this,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Yes, I agree. You really look like Liza, grabe!”

“OMG YES! You are right, Luke. Hope you can meet Liza soon and make a movie together in the future. Hopefully!” wika naman ng isa.

Subalit may ilan din namang nagsabing hindi sila magkawangis.

“Parang ang layo naman! Hindi po,” sabi ng isa.

Public Domain Image

Pahayag naman ng isa, “I literally checked if this is Luke’s real account hahaha, pero ang masasabi ko lang, hindi po kayo magkamukha.”

Si Luke ay 24 taong gulang, kagaya ni Liza. Siya ay mapapanood sa series na “Wake Up Ladies: Very Complicated,” at sa susunod naman ay sa kaniyang unang lead role sa “Oh My Boss” sa ilalim ng GMMTV production. Parehong half-American sina Liza at Luke; subalit si Luke ay half-Japanese habang si Liza naman ay half-Filipino.

Loading…