Nico Bolzico may 12 promises sa anak na nagdiwang ng unang kaarawan

Imahe mula sa Instagram | Nico Bolzico at Solenn Heussaff
  • Bilang pagbati sa unang kaarawan ng anak na si Thylane Katana ay may 12 pangako ang kaniyang ama na si Nico Bolzico
  • Ibinahagi niya ang listahan nito sa isang Instagram post
  • Samantala, nagbigay rin ng mensahe si Solenn Heussaff para sa panganay nila ni Nico

Naging madamdamin ang pagbati ni Nico Bolzico sa kanilang anak ni Solenn Heussaff na si Thylane Katana na nagdiwang ng kaniyang unang kaarawan.

Sa isang Instagram post ay nagbahagi si Nico ng listahan ng 12 pangako sa kaniyang anak.

Imahe mula sa Instagram | Nico Bolzico

“Dear #TiliBolz, Happy birthday! You came in a very special year where most things didn’t go as planned, but you made it the best year of our lives. You are really the love of my life and here are my 12 promises to you as your dad, that I will keep forever,” aniya.

Una na rito ang pangakong mamahalin niya si Thylane “unconditionally.” Pangalawa ay ilalaan niya raw ang unang dalawang oras ng kaniyang umaga kasama ang anak. “You can decide to spend them with me or not,” sabi ni Nico.

Pangako niya rin na laging magiging present sa mga big moment ng kaniyang panganay. “You are the one who decides what a big moment is,” aniya pa.

Gagabayan niya rin daw si Thylane upang maging isang mabuting tao sa pamamagitan ng pagiging mabuting modelo. Ikalima ay ang pangakong rerespetuhin at mamahalin niya ang ina ni Thylane na si Solenn.

Kabilang din sa listahan ang pagsisikap upang maging proud sa kaniya ang anak.

Imahe mula sa Instagram | Nico Bolzico

“Seven – I will allow you to choose your own path in life and support it. Eight – I will never lie to you. Nine – I will have long, meaningful conversations with you whenever you allow me to. Ten – I will rprotect you when you need to be protected. Eleven – I will remind you how much your mum loves you,” dagdag niya pa sa listahan.

Ang ika-12 ay ang pangakong susubukan niyang huwag tanggihan ang bawat manliligaw na ipakikilala sa kanila ni Thylane.

Dadagdagan pa raw ni Nico ang listahan ng kaniyang mga pangako at hihingi siya ng tulong kay Thylane kung ano ang ilalagay rito.

Samantala, nagpasalamat naman si Solenn kay Thylane dahil siya raw ang kaniyang naging best teacher. “Will keep learning from you and my love for you will never stop growing. Stay wild and be who you want to be,” aniya.

Noong Enero 1, 2020 ay magkasabay na sinalubong nina Solenn at Nico ang bagong taon at ang kanilang anak na si Thylane.

Loading…