OFW mula sa Cagayan Valley na may bagong COVID variant, nagnegatibo sa test bago lumipad patungong HK

Imahe mula sa CNN Philippines
  • Isang OFW mula sa Cagayan Valley ang Pinay na nagpositibo sa bagong COVID variant
  • Nagpresenta umano ito ng negatibong test result bago bumiyahe patungong Hong Kong
  • Isinasagawa na ng DOH ang malawakang contact tracing para sa lahat ng pasahero ng sinakyang eroplano

Isang OFW mula sa Cagayan Valley ang Pinay na nagpositibo sa bagong COVID variant matapos itong i-test sa Hong Kong, ayon sa pinakahuling update ng Department of Health (DOH).

Base sa timeline na ibinahagi ng DOH, umalis sa Cagayan Valley ang OFW noong Disyembre 17. Kinabukasan, Disyembre 18 ay dumating siya sa Maynila at sumailalim sa quarantine protocol bilang requirement sa kaniyang pinagtatrabahuan.

Imahe mula sa PNA

Noong Disyembre 19 ay sumailalim siya sa COVID-19 test at negatibo ang resulta. Bumiyahe siya patungong Hong Kong Disyembre 22 at sumailalim sa quarantine protocol doon.

Ika-2 naman ng Enero nang muli siyang ipasailalaim sa RT-PCR testing sa HK at nagpositibo ang swab test kung saan na-detect ang bagong COVID variant.

“The case left for Hong Kong on December 22, 2020 where she underwent quarantine upon arrival. On January 2, 2021, she underwent RT-PCR testing again where the swabs tested positive and detected to also be positive for the UK variant. She remains in isolation and in stable condition,” anang DOH.

Negative result ang ipinakita sa PAL

Kinumpirma rin ng Philippine Airlines (PAL) na nagpresenta ng negative test result ang Pinay bago ito sumakay ng eroplano na biyaheng PR 300 patungong Hong Kong noong Disyembre 22.

Nakikipagtulungan na umano ang PAL sa Bureau of Quarantine para sa contact tracing ng iba pang pasahero ng nabanggit na biyahe.

Imahe mula sa WebMD

“PAL is fully cooperating with health authorities and strictly adheres to vital health & safety protocols to help ensure that air travel is safe even during the pandemic,”  pahayag ng airline.

Samantala, tiniyak naman ng DOH na hanggang nitong Miyerkules, wala pang nade-detect na kaso ng bagong COVID variant sa bansa, base sa 305 sample genes  na sinuri ng Philippine Genome Center.

Ganunpaman, mahigpit na umanong ipinag-utos ng ahensiya ang malawakang contact tracing para sa lahat ng pasahero ng PAL PR300 sa dito sa bansa, partikular na sa Cagayan Valley at sa NCR.

Loading…