Online seller ibinahagi ang kuwento ng tagumpay sa “negosyo challenge”

  • Ibinahagi ng isang online seller ang kuwento ng kaniyang tagumpay sa negosyo
  • Sikreto raw niya ang pagsisipag, dedikasyon at fighting spirit
  • Huwag raw matakot lumabas sa comfort zone

Isa sa mga patok na negosyo ngayon ang “online selling” na lalong pumatok dahil sa pandemya. Bukod sa puhunan at produktong ititinda, ang kailangan lamang ng isang online seller ay internet connection at device na makasasagap nito gaya ng smartphones, tablets, desktop, o laptop.

May tatlo ring paraan upang makahikayat ng mamimili: gumawa ng page para sa posting ng mga larawan ng produkto, magsagawa ng “live,” o kaya ay direktang alukin ang mga customers sa pamamagitan ng direct messaging. Kaya naman, isang online seller ang nagbahagi ng kaniyang success story sa Facebook page na “CFO PESO SENSE.”

Imahe mula sa Facebook page na CFO PESO SENSE

Aniya, hindi niya layuning ipagyabang ang kaniyang tagumpay kundi magdulot ng inspirasyon sa lahat. Hindi raw siya nakatapos ng pag-aaral sa kolehiyo kaya wala siyang maipagmamalaking diploma. Ang maipagmamalaki niya ay diskarte, kasipagan, at tiyaga para sa pinasok na pagtitinda ng mga “Ready to Wear” items o RTW. Ginamit niya ang social media na “Facebook” at pinag-aralan ang tamang proseso upang magkaroon ng mga order.

“Naalala ko pa yung first order ko, 2 pieces, tuwang-tuwa na ako dahil tumubo ako, hindi ako sumuko kahit minsan, wala benta, ‘di ako nawawalan ng pag-asa, laban lang nang laban, walang aayaw…” aniya.

“Ngayon ay masasabi ko na unti-unti na akong nagtatagumpay at marami na ako reseller na kumikita nang malaki at may mga yumayaman na rin,” dagdag pa niya.

Imahe mula sa Facebook page na CFO PESO SENSE

Tips niya, hindi raw natin kailangan ng malaking puhunan; ang kailangan lamang daw ay ideya. Marami raw tao na may pera nga subalit wala namang business idea. Hindi rin daw hadlang kung hindi man nakatapos ng pag-aaral.

Ano nga ba ang susi ng kaniyang pagtatagumpay na maaari niyang maibahagi sa lahat?

“Ang mahalaga ay ating pagsisipag, dedikasyon at ating fighting spirit; mangarap lang tayo nang mangarap, huwag tayo mawawalan ng pag-asa dahil hindi nauubos ang pag-asa ng tao, Pero hindi lalapit ang pag-asa kung walang pag babago,” aniya.

Sa panghuli, nag-iwan siya ng hamon para sa lahat.

“Lumabas tayo sa comfort zone natin; explore, meet and be inspired to someone who can motivate and inspired us, bawasan ang inggit sa kapwa, instead gawin natin silang inspirasyon #lawofattraction #NotToBragButToInspire #shrotfactory #Negosyochallenge.”

Sa ngayon, nakapagpundar na ang naturang online seller ng mga sasakyan at sinisimulan na rin ang pagpapatayo ng bahay.

Imahe mula sa Facebook page na CFO PESO SENSE

Ang galing niya hindi ba?

Source :

Facebook

Loading…