Online shopper sa guwapong delivery rider: “Hair dye lang binili ko inspirasyon dumating sa akin”

  • Kinakiligan ng mga netizens ang mga larawan ng isang guwapong delivery rider
  • Natuwa ang online shopper na bumili lamang ng hair dye, subalit inspirasyon daw ang nakuha
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Patok na patok ngayon ang online shopping at delivery services dahil na rin sa dulot ng pandemya. Halos lahat nga nga yata ay maaaring maideliver ngayon. Paano kung ang dumating palang tagahatid ng biniling produkto ay maghahatid din ng kilig sa puso mo?

Iyan ang nangyari sa isang babaeng hindi natukoy ang pagkakakilanlan, na ibinahagi sa Facebook page na “Magallon CO.” Kinatuwaan at kinakiligan ng mga kapwa netizens ang kaniyang post kung saan makikita ang isang guwapong rider na nag-deliver sa kaniya ng biniling hair dye sa sikat na online shopping app na Lazada.

Imahe mula sa Facebook page na Magallon CO

Nasabi ng online shopper na hair dye lang naman ang binili niya, subalit nagpadala ang Lazada ng lalaking magiging inspirasyon niya sa araw-araw. Nasabi pa niya na sana raw, ito na ang maging delivery man niya sa araw-araw.

“LAZADA NAMAN HAIR DYE LANG INORDER KO BAKIT NAMAN INSPIRASYON PARA MABUHAY ANG BINIGAY NINYO. SEE YOU NEXT TIME KUYA! IKAW NA LANG SANA PERSONAL DELIVERY MAN KO,”  saad sa caption.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Sana lahat ng delivery man ng Lazada at Shoppee ganyan kapogi para kahit may defect yung naideliver okay lang, ang mahalaga nakakita ka ng guwapo at kinilig ka. Minsan naman kailangan natin ng pampakilig hindi yung puro seryos na lang,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Dito mo malalaman na sadyang mapanghusga ang lipunan. Tapos sasabihin nila hindi mahalaga ang hitsura. Dito sa mundong ginawa ng Diyos Ama, bakit ang mga guwapo at magaganda lang ang may halaga?”

Imahe mula sa Facebook page na Magallon CO

“Lalaki man o babae, pareho lang naa-attract sa panlabas na kaanyuan ng isang tao kasi yun ang unang nakikita ng ating mga mata. Okay lang iyan,” pahayag naman ng isa.

Oo nga naman!

Loading…