Online transfer fees ng ilang bangko muling ipagpapaliban hanggang March 31

Imahe mula sa Smart Money
  • Ipagpapalibang muli ng ilang bangko ang online transfer fees hanggang katapusan ng Marso
  • Hanggang katapusan na lang sana ng taong 2020 ang pag-waive sa bank-to-bank transfer fees gamit ang PESONet at InstaPay
  • Nauna nang naningil ng kaparehong charges ang ibang bangko at mga digital platforms noon pang Oktubre

Muling ipagpapaliban ng ilang bangko ang paniningil ng transfer fees para sa mga online transaction gamit ang PESONet at Instapay hanggang ika-31 ng Marso, 2021.

Base sa pinakabagong anunsiyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), hindi muna magpapataw ng charges para sa mga digital cash transfers ang mga bangkong ito hanggang sa katapusan ng Marso.

Imahe mula sa BSP-Facebook

Ito ay kinabibilangan ng Asia United Bank, Binangonan Rural Bank, China Bank, Equicom Savings Bank, Land Bank of the Philippines, Metropolitan Bank & Trust Co. (Metrobank), Philippine National Bank (PNB), Security Bank, Sterling Bank of Asia at Union Bank of the Philippines.

Samantala, ang Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) naman ay magsisimula nang maningil pagkatapos ng Enero 31, 2021.

Magugunitang hanggang katapusan na lang sana ng 2020 ang pag-waive sa bank-to-bank transfer fees gamit ang PESONet at InstaPay para sa lahat ng bangko bilang pagsunod sa kautusan ng BSP.

Nauna na ring nagpataw ng kaparehong charges ang iba pang bangko tulad ng BDO at BPI at mga digital platforms tulad ng GCash at Paymaya simula pa noong Oktubre.

BASAHIN: Bank transfer via GCash, Instapay may charge na simula October 1

Imahe mula sa Smart Parenting

Ang PESONet at InstaPay ang dalawa sa pinakamalaking electronic fund transfer (EFT) payment system sa bansa kung saan mas pinabilis ng mga ito ang pagsagawa ng online funds transfer sa mga bangko gamit lamang ang computer, tablets o mobile phones.

Ang PESONet ay inilunsad ng BSP noong 2017 habang InstaPay ay inilunsad noong April 2018.

BASAHIN: Consumer group pumalag sa  ‘transaction fee’ na sinisingil sa mga online money transfers

Sa pinakahuling ulat noong Oktubre, lumundag ang transaksyon sa PESONet mula sa P51-M lang kada buwan hanggang P268-B average kada buwan sa huling tatlong buwan.

Sa Instapay naman ay lumubo rin mula P216-M kada buwan hanggang P135-B average sa huling tatlong buwan.

Loading…