P10,000 ayuda para sa bawat pamilyang Pinoy, hirit ni Rep. Alan Peter Cayetano

Imahe mula sa RMN
  • Isinusulong ni Rep. Alan Peter Cayetano na mabigyan ng P10,000 cash assistance ang bawat pamilyang Pinoy
  • Ito ay dahil umano sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin
  • Ang budget para sa ayuda ay maaari umanong kunin mula sa 2021 national budget o kaya ay sa pamamagitan ng loan

Isinusulong ni dating House Speaker at incumbent Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano ang implementasyon ng bagong Social Amelioration Program (SAP) kung saan mamamahagi ng P10,000 cash assistance sa bawat pamilyang Pilipino.

Imahe mula sa Facebook account ni Rep. Alan Peter Cayetano

Sa pagkakataong ito, ang ayuda ay hindi kaugnay ng pagkawala ng hanapbuhay ng mga mamamayan dahil sa mga community quarantine na ipinatutupad sanhi ng COVID-19 pandemic, kung hindi dahil sa patuloy na pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

“Ang problema sa price increase, bumabangon ka pa lang, may pabigat na ulit,” sabi ni Congressman Cayetano sa isang panayam sa pagbisita niya sa Agoncillo, Batangas kamakailan lang.

Ayon sa kanya, dahil sa huling bahagi pa ng taon inaasahan ang full swing ng COVID-19 vaccine rollout, kailangan ang financial assistance upang mapataas ang consumption ng mga Pamilyang Pinoy sa gitna ng tumataas sa presyo ng mga bilihin.

“Because the COVID-19 vaccine is toward the end of the year, we are readying a proposal that would give P10,000 to each Filipino family in aid this year,” pahayag ni Rep. Cayetano.

Imahe mula sa PNA

Sabi niya, ang Pilipinas ay nakararanas ngayon ng “worst recorded economic contraction” simula noong WWII kung saan ang gross domestic domestic product noong 2020 ay bumaba ng 9.5%.

Tama naman daw ang ginawang aksyon ng pamahalaan na magpatupad ng price freeze noong nakaraang taon, pero upang lumakas ang performance ng ekonomiya ng bansa, kailangan ang patuloy na pamamahagi ng financial aid na makatutulong sa mga consumers at suppliers.

Imahe mula sa PIA

Ang budget para sa ayuda ay maaari umanong kunin mula sa 2021 national budget o kaya ay sa pamamagitan ng  loan.

Loading…