Pabirong post ni Presidential Spokesperson Harry Roque inulan ng samu’t saring reaksyon

  • Pinag-usapan ang Facebook post ni Presidential Spokesperson Harry Roque
  • Simpleng biro lamang ito hinggil sa pag-init ng ulo ng mga pogi
  • Kunwari ay nainis naman siya at nilagyan ng hashtag na #kalmaAkoLangTo

Isa sa mga kontrobersiyal na political personality ngayon si Presidential Spokesperson Harry Roque na siyang nagsisilbing “alter ego” ni Pangulong Rodrigo Duterte, dahil ang kaniyang pangunahing tungkulin ay ipahatid sa publiko ang anomang mensahe ng pangulo, gayundin ang pagtatanggol dito.

Kaya naman, nakaabang ang mga “anti-DDS” o mga taong pumupuna at pumupula sa anomang mga hakbang ng administrasyong Duterte, kaya naman ano mang mga social media posts niya ay umaani ng iba’t ibang mga reaksyon at komento.

Nitong Enero 27, 2021, nagbiro si Roque sa kaniyang Facebook post na talagang “ikinawindang” ng mga netizens.

Public Domain Image

“Kadalasan sa mga pogi, maiinitin ang ulo!!!!!! Kainiiiiiis!” ayon sa caption ng kaniyang post, na may hashtag na “#kalmaAkoLangTo.” Ibig sabihin, ang kaniyang sarili ang tinutukoy niyang pogi dahil tila “naiinis” siya nang mga sandaling iyon.

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon at komento ng netizens sa “witty side” ni Presidential Spox Roque:

“Halos karamihan ng mga tao nagpo-post ng mga ganyang jokes, pero bakit pag mga post ni Roque napaka-big deal? Napakababaw naman ng mga taong pati buhay ng may buhay ay pinakikialaman hahaha. Wala namang bahid-politkal ‘yung post niya, kaya spare him muna,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Need mo na yata ng salamin, mukhang malabo na po paningin ninyo.”

“Pagbigyan na natin ang tagapagsalita ng Pangulo. Sa totoo lang, hindi biro ang trabaho niya, para siyang robot na walang choice kundi sundin ang kumpas ng kaniyang amo. Siguro naman, may mga sinasabi rin ang amo niya na hindi niya gusto o hindi siya pabor, pero wala siyang pamimilian kundi ipagtanggol ito,” pahayag naman ng isa.

“Nagpapaka-funny ka sir, ha…” saad naman ng isa.

Public Domain Image

Kamakailan lamang ay naging kontrobersyal ulit si Roque dahil sa tensyon sa pagitan nila ni Pinky Webb habang nakasalang siya sa television live interview sa “The Source” ng CNN Philippines.

“Hair flip is life!” Pinky Webb at Harry Roque nagkaroon ng tensyon sa CNN Philippines

Loading…