Pacquiao-McGregor match malabo na matapos matalo ang UFC superstar kay Dustin Poirier sa UFC 257

Screenshot mula sa Bleacher Report video
  • Lumabo na ang posibilidad na magharap sa isang boxing match si Manny Pacquiao ay UFC superstar Conor McGregor
  • Nauna nang ipinahayag noon ni McGregor na gusto niyang mangyari ang harapan nila ni Pacquiao ngayong 2021
  • Hindi na sigurado si McGregor sa harapan nila ni Pacquiao matapos siyang ma-TKO ni Dustin Poirier sa UFC 257 match nila sa Abu Dhabi
  • Naniniwala si Paradigm Sports president Audie Attar na hindi na magiging mabenta sa mga fans ang Pacquiao-McGregor fight matapos matalo ang Irishman

Hindi na umaasa si Conor McGregor na matutuloy pa ang boxing match nila ni Manny Pacquiao matapos siyang matalo kay Dustin Poirier sa UFC 257 match nila na ginawa sa Yas Stadium sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Imahe mula sa Give Me Sports

Maganda ang unang sultada ng Irishman na si McGregor sa first round, pero nakabawi si Poirier sa second round nang ma-corner niya ang kalaban. Itinigil ng referee ang laban at idineklara si Poireir bilang winner via technical knockout (TKO).

Bago pa man magsimula ang UFC 257 match ay nag-tweet si Manny Pacquiao kay McGregor.

“Good luck tonight Conor! Let’s make 2021 the best year ever for fight fans,” tweet ni Pacquiao.

Matatandaang sinabi ni McGregor na gusto niyang mangyari ang paghaharap nila si Pacquiao sa isang boxing match ngayong 2021, pero sinagot ito ni Arnold Vegafria na tumatayong business manager ng Pinoy boxing icon na isasapinal ang usapan pagkatapos ng laban ni McGregor kay Poirier.

At dahil natalo, tila naging malabo na ang paghaharap nila ni Pacquiao. Hindi na sigurado si McGregor kung matutuloy pa iyon.

Screenshot mula sa UFC press conference video

“I wanted to focus on the MMA career but I’m also… Let’s just see what happens. That Manny fight was happening. It was as good as done. Now I don’t know,” tugon ni McGregor sa tanong tungkol sa posibleng paghaharap nila ni Pacquiao.

Nagpahayag rin noon si Pacquiao na si McGregor ang gusto niyang unang makaharap sa kanyang pagbabalik sa boxing ring. Noong 2019 pa huling lumaban ang pambansang kamao kung saan tinalo niya si Keith Thurman.

Naniniwala si Paradigm Sports president Audie Attar na hindi na magiging mabenta sa mga fans ang Pacquiao-McGregor fight matapos matalo ang Irishman.

Screenshot ng tweet ni Manny Pacquiao

Nagbigay ng reaksyon si Pacquiao sa pagkatalo ni McGregor at binati ang nagwaging si Poirier.

“Beautiful thing about the fight game, anything can happen! Congrats to @DustinPoirier. Huge win!” tweet ni Pacquiao matapos ma-TKO ni Poirier ang UFC superstar.

 

Loading…