Pagluwag sa age restriction may benepisyo sa kalusugan ng mga bata – Palasyo

Imahe mula sa WKMG
  • Ipinagtanggol ng Malakanyang ang pagluwag sa age restriction
  • May mabuti raw itong dulot sa kalusugan ng mga bata pati na sa ekonomiya
  • Mas malaki umano ang epekto kapag ‘di luluwagan ang age restriction

Makatutulong umano sa kalusugan ng mga bata ang paglabas sa kanilang bahay kasunod ng pagbaba ng IATF sa edad ng mga papayagang makagala sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

Ito ang naging paliwanag ng Malakanyang matapos tanungin kung bakit papayagang makapunta sa malls ang mga batang edad 10 pataas subalit hindi sila puwedeng dumalo sa face-to-face classes.

Screenshot mula sa PTV News

“Filipino children have already stayed in their homes for ten months now, and allowing those to leave their houses, especially on a weekend activity, is good for their physical, social, and mental health,” paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Nitong Biyernes ay ianunsiyo ng Palasyo na simula Pebrero 1 ay ibaba na ng IATF ang edad ng papayagang makalabas sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ bilang tugon sa kahilingan ng Department of Trade and Industry (DTI) na luwagan ang age restriction upang makatulong sa muling pagsigla ng ekonomiya.

BASAHIN: Edad 10 hanggang 65 anyos puwede nang lumabas sa mga MGCQ areas simula Pebrero

Giit pa ni Roque, magkaiba ang nature, intensity at proximity ng face-to-face classes at paglabas ng mga bata sa kanilang tahanan.

“For one, physical distancing is difficult to implement in face-to-face classes given the size of classrooms vis-a-vis the number of students that are enrolled. Also, students attending face-to-face classes would have higher exposure to the virus given the intensity of interaction of children in school with their classmates. On the other hand, children who are allowed to go out on a weekend or during their free time (as online classes / modular learning are ongoing) will be with their parents and/or relatives,” wika ni Roque.

File foto

Bukod pa rito, maituturing din daw itong family bonding, na para na ring ‘family bubble’, subalit mas ligtas dahil kasama nila ang kanilang pamilya na siya ring kasama nila sa bahay.

“Also, activities outside their homes, such as dining out or doing the groceries would take fewer hours complemented with the observance of public health standards,” ayon pa sa tagapagsalita ng Palasyo.

Ang desisyon umanong ito ng IATF ay may mabuting dulot sa ekonomiya. Ang hindi pagluwag sa age restrictions, ayon din kay Roque, ay may malawak na epekto sa trabaho, income, kahirapan, at gutom na maaaring mauwi pa sa mas pagbagsak ng ekonomiya pati na ng kalusugan ng mga tao.

Loading…